Wednesday, October 06, 2004

there's another good reason to breathe

i was feeling too tired. we have started taking CE emails. it was all too much for the reps. all too much for me. feeling ko duduguin ako sa mga tanong ng mga reps.... pare-pareho lang naman kaming di sanay sa CE. feeling ko naging masyado akong galit sa mundo... sabi ko sa sarili ko, pesteng buhay to, kahit di ko trabaho ginagawa ko... naging suplada ako sa pagsagot sa mga reps... naramdaman din nila...

lumipat ako ng station dahil sa saobrang pagod, feeling ko kelangan kong mag-isa... pero, sabi nga, kung may lungkot, may saya.

biglang nag-vibrate ang telepono ko. uy, may text! pagtingin ko, galing kay Jheng: Lumabas ng Result ng LET. Bigla akong kinabahan. Nagdasal na "Lord, masama na po pakiramdam ko... sana bigyan mo naman ako ng magandang balita."

nag-access ako ng internet... nampucha! ang tagal mag-load ng prc.gov.ph! sa totoo lang, hanggang ngayon, several hours after, di pa rin sya naglo-load. i think, maraming naga-access at nag-crash ang system nila. har-har.

biglang nagtext ulit si Jheng: Pasado ka Achie! Pasado taung lahat!

At that moment, mixed feelings ako.... gusto kong umiyak! gusto kong lumundag sa tuwa! gusto kong sumigaw.

di naman ako umiyak. hehe. pero lumundag at sumigaw, oo.

so, ayun. masaya ako ngayon. nawala sungit ko. hehe.

Thank you, Lord.

1 comment:

  1. actually di ko masyadong maintindihan kung saan ka pumasa. nonetheless, congratulations! :)

    ReplyDelete