Friday, November 19, 2004

Staring At The Keyboard Reflecting On What To Type, When Suddenly...

yes.

ano nga ba? hehe. was engrossed in taking stuff out of my blog
(since it loads ..s..l..o..w..l..y.. na) that i forgot to post something.
and it's time to go!

anyways, keiko has finally found the template she likes
(i hope for good).
and i envy her coz she's not so fickle-minded like me,
and she's contented with her sidebar contents.
me? hell, no. ako pa. i like to constantly learn a few things,
and that includes HTML.

pag meron akong nakikitang bagong script, i always try it out.
if it doesn't work or it looks icky or it makes my page too slow,
then i take it out.

aha! i remember one thing to post na!

last night, okay na nga kami ni anea, si anton naman nakaaway ko.
hay, what else is new? lagi naman akong inaaway ni anton.

i was fixing our closets 'coz they badly needed it.
Anton comes in, starts making a racket. on and on.
so, ang ingay-ingay niya (pramis! di tumitigil ang ingay niya!).
eh, masakit ang ulo ko.... so drama na ko...

"anton, please wag maingay....?"

i pleaded that in, about, 20 times i guess. or more. im not sure.
and syempre naman hindi cya tumigil. at syempre naman nainis na ko.
even me lose patience naman.

i was then fixing his own closet. sa inis ko, i told him,
"uwi ka na nga sa lola mo. dalhin mo na tong mga gamit mo."
of course, when i said that i felt bad. ung feeling na....
basta, ung u wish u haven't?
ang sinagot naman sa kin, mas masakit.

"sige. lagay mo sa plastic ah.
ung maleta ko nasa baba na eh."

that came from my 3-year old son.
from where he got that maleta thing, i don't have any idea.

gusto kong umiyak. it's positive.
my son Anton loves his grandmother more than me.
(not true, but i just want to say that.... been having doubts. hehe.)

it's a long story.

he's always with my byenan kasi. ewan.
it got to the point that when u ask
him who he loves, he says "lola."

now, he enumerates them...
"mommy, lola, mommy, mama, dada, archie."
at least dalawang beses niya kong mahal. hehe.

well, to continue, napikon ako. so sabi ko, ok.
i told Anea to text her Dad to get Anton and his things.
it continued. sumasagot talaga si anton.
di na raw sya babalik and all. di na ko kumibo.
di ko na siya pinansin.

syempre naman, nagpapansin!
sinipa yung mga tinutupi kong damit and all.
then he left the room and slammed the door behind him.
i thought, i'm screwed now.
siguradong magsusumbong kina Mama at Papa. hehe.
and that he did.

then, my mom said i have a phone call.
dyan-dya-ra-ran! his Dad.
"bakit? anong nangyari?"
aba, at pati sa Dada niya nagsumbong.
so sinabi ko. sabi ko rin, sunduin nya muna.

sinundo. nung nasa gate na Dada niya, sabi ko ibababa ko na siya.
man, u should've seen his face. nakasimangot.
ang taray (if this applies to boys)!
ayaw lumapit sa kin.

hay... feeling resigned, kinarga ko na.
sabi ko, "lika na, bati na tayo."

ayun! yumakap. umiyak.

hay... ang tibay. asteeeg.
kung di mo susuyuin, di bibigay.
pa-feeling matapang pa at matigas, iiyak rin naman pala.
(typical man. hehe.)

nung binaba ko na sa gate, sabi sa kin...
"wag mo na ipa-plastic gamit ko ah..."
sabi ko, "ok. balik ka tomorrow ha?"
"yes." (sniff)

bati na kami.


p.s.
yeah, yeah. i know i was wrong.

No comments:

Post a Comment