Monday, November 22, 2004

The Teacher

kahapon nag-oathtaking kami sa Folk Arts. Sabi, attire daw is formal. eh kaso, ala naman akong formal na damit, tsaka, di ko talaga trip. alam ko naman na mass induction yun, so i dont think they will be strict sa attire. nag-slacks na lang ako at blouse, pero sandals pa rin. hehe.

awa ng Dyos, marami ring di pormal. meron pa nga atang naka-jeans dun. pero op cors, meron ding super formal. at sila po ang na-out of place. wawa. pano, nakalong gown ito. hay...

ok naman yung event. medyo magulo kasi daming tao, puno ang FAT, pero all-in-all, masaya din. di ko na tinapos, pagka-oath at announcement ng topnotchers, umuwi na kami ni Mama. sumama din cya, kahit na may bayad ang ticket. hehe.

kakatawa, kasi pag topnotcher ng PNU na, the crowd goes wild, pero ung mga UP at Ateneo, kimi ang audience. dalawa lang yan, masaya kaming PNUers, or wala kaming breeding. hehe.

kaasar nga, kc rating ko 80.2, tapos ung top 10, 88 lang... yung top 1, 91 lang. aba, kung nag-aral pala akong mabuti, abot ko na rin ang top. in fairness, Educ grads pa cla, eh kami 18 units lang ng educ. wla lang. napagusapan lang namin yun ng mga dati kong classmates na naka-80 din.

gist ng story: full-pledged guro na po ako.

p.s.
i'm so busog, i feel im gonna go puke.

No comments:

Post a Comment