Friday, December 24, 2004

apprehensions on clear snow

Pasko na naman. Marami nang nagdaan. Marami na ring Pasko na malungkot ako. Na magtatago muna sa kwarto para umiyak. Pero marami na ring Pasko na masaya rin naman. Na kumpleto buong pamilya pagpatak ng alas dose.

Sa susunod na Pasko, di na namin kasama magulang namin. Sa States na sila magpa-Pasko. Siguro, magwa-YM na lang kami at that time para naman may presence pa rin.

Ewan ko kung anong mangyayari sa bahay pag alis nila. Magulo. Dalawa kasi kaming magkapatid ang maiiwan. Nakakailang. Di tulad noon na may back-up ako... parents ko. I can do whatever I want. Pero, now that the responsibility was given to my brother... ewan ko. Mahihiya na kong gumalaw dun. Basta. Di ko pdeng ilagay dito ang lahat ng apprehensions ko.

Ewan. Bahala na.

Current Mood: pensive, but merry
Current Song: Coldplay
Current Prayer: Lord, pakisabi kay Jesus, Happy Birthday!

No comments:

Post a Comment