Tuesday, December 14, 2004

Bakit kailangang tumahimik?

Naalala ko ang lolo ko ngayon. Matalino yun... Sya tagagawa ko ng mga compositions noon. Mga english assignments at declamations.

Parating pa lang yun, tinatakbo ko na, sabay sabi ng "Papa, pengeng pepong!" With matching palad pa.

Sabi ng lolo ko, "speak when it is improper to be silent, and be silent when it is improper to speak.

Sa mundo natin, kelangang alam mo daw kung kelan ka kailangang tumahimik. Kung pwede namang isaloob mo na lang ang nasa isip mo, sana wag mo ng ibahagi sa iba.
Kung sa tingin mo, may masasaktan, solohin mo na lang.

Pero syempre, meron ding mga bagay na dapat ay imungkahi mo. Lalo na kung sa tingin mo ay ikasasalba ng isang relasyon.

Hm... he's got a point. In Tagalog, sya ay may turo. Kanina lang merong insidente sa opisina that will best justify that.

===================================================

Pero sabi rin ng lolo ko, "Wag kang maniwala agad sa sabi-sabi..."

Ang tanong:
So, paniniwalaan ko ba sinabi ng lolo ko?

===================================================

pe.pong (pangngalan) - pera, datung, barya

No comments:

Post a Comment