Tuesday, December 14, 2004

Di ako bihasang mag-ingles.

Tawag nga nila dun 'ironic' kasi pumasa akong guro ng Ingles. Nakakatawa din kasi nagtatrabaho ako sa isang 'call center.'

Ewan ko. Siguro, dahil hindi ako lumaki sa isang pamilyang nagsasalita nito palagi.
Pwede ring dahilan ang hindi ko pagpasok sa isang pribadong paaralan noong nasa elementarya pa lamang ako. Sabi nga nila, and pundasyon ng kaalaman ay makukuha mo sa elementarya.

Ngunit nakakapagtaka rin kung bakit hindi ako bihasang magsalita ng Filipino. Sa eksamen nga laging mababang marka ang nakukuha ko. Di ko mawari kung paano ko iintindihin ang mga pandiwa at pantukoy gayong mas sanay ako pag ito ay sinalin sa ingles.

Kung hindi ingles at hindi rin Filipino. Ano? 'Taglish' siguro. Halintulad na lang sa paggamit kong wika sa 'blog' na ito.

Marami kasing mga salitang ingles na mahirap isalin sa Filipino. At marami ring mga salita na hindi ko maisalin sa ingles sa panahong nag-iisip ako ng sasabihin.
Tawag ata dun eh 'at a loss for words.' Ayun. Palagi akong nawawalan ng salita.

Hindi ko gusto ang maging plastic at maging 'trying hard' sa pag-ingles. Kaya inaamin ko sa sandaling hindi ko alam. Ang estilo ko, imumungkahi ko sa mga magaaral ang salitang Filipino, at itatanong ko sa kanila ang salitang kasingkahulugan nito sa ingles. Sana lamang sa isang klase na nabubuo ng apatnaput'lima ay merong isang mabait na nilalang na may alam nito. Kaya dapat, magdala na lamang ako ng diksyonaryong tagalog-ingles.

Aminado naman ako na hindi ko alam ang lahat ng bagay. Kapag nalaman kasi na ikaw ay guro, ang nasa isipan ng lahat dapat ay matalino ka. Hindi po. Ang pagiging guro ay nadadala sa paghahanda. Kaya may tinatawag na 'lesson plan.'

Kapag alam mo na ang ituturo mo sa mga magaaral, dapat ay mag-aral ka rin kahit isang araw bago ka magturo. Babalikan mo ang mga napag-aralan mo nung ikaw naman ang estudyante. Pati mga salitang mahihirap alamin ang kahulugan, kinakailangan
ay hanapin mo na sa diksyonaryo.

Hindi ko alam ang lahat. Ang tanging alam ko ngayon, tao lamang ako. Nadadala sa mga impluwensyang gaya ng 'taglish, slang, & colloquial mentality.'

Ako ay isang taong makatotohanan. Ihalintulad mo na lang sa pagsagot sa tanong na
"is the glass half-empty or half-full?"

Para sa akin, hunghang ang nag-isip ng tanong na ito. Pasintabi po. Walang personalan. Baka manuno ako sa punso.

Kapag ikaw ba ay bumili ng isang basong 'Coke' sa isang restawran, at binigyan ka ng nagsisilbi nito at nakita mong kalahati lamang, matutuwa ka ba at iisipin mong "hanep. kalahating puno ang 'Coke' ko." Hm... Aminin!

Ang sa akin, itanong mo na lamang ng diretso kung ang tao ay 'pessimistic or optimistic.' Marami pang paligoy-ligoy.

Ako, aminado. Mas marami akong negatibong naiisip kaysa sa positibo. Lalo na sa sarili ko. Pero, mas positibo ako kapag ang buhay ng ibang tao ang nakalagay sa palad ko. Ang lagi kong iniisip, habang may buhay... may pag-asa. Hindi ba, Keiko?

Bakit po ako nagisip ng ganito? Hindi ko po alam. Wala na naman pong saysay ang naisip ko.

Sabi nga ng nanay ko:
"Aanhin pa ang damo, kung tapos na ang 'It Might Be You'."

Bow.

===============================

p.s.
pumanaw na po si Fernando Poe, Jr. sa edad na animnaput'lima. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

No comments:

Post a Comment