Monday, December 27, 2004

i fear death.

Not my own, but my loved ones. Call me selfish, but i'd rather die ahead of them. I can't stand thinking that i'd be seeing my loved ones lifeless in a coffin.

That's the main reason why i don't want my parents to go abroad. Matanda na sila. Ang akin, mas kelangan na magkakasama kaming pamilya.

Well, enough paranoia.

========================================

Maraming nangyari kahapon. Hindi ko maiyak ng todo. Mas iniisip ko kasi yung pagkamatay ng tito ko. Hindi yung mga personal kong problema. Baka kasi pag sinabi ko pa sa nanay ko, mas lalo pang maapektuhan ito.

Masakit yung nangyari. Akala ko kasi ok na. Marami akong inakala.

May kasalanan din ako. Pero nadala lang yun ng galit at asar na naramadaman ko nung pasko.

Naghalfday ako ngayon sa opisina kasi nga unang-una, namatay si Tito Mike. Out of respect para sa mommy ko, dapat dumamay muna ako. Pangalawa, di ko kinayang pumasok dahil sa sama ng loob.

Pero pumasok ako ng half day, kasi gusto ko ng umiyak (wala pa dun yung dahilang double-pay ngayon dahil holiday). Di kasi ako makaiyak sa bahay kasi ayokong dagdagan problema nila.

Pagdating ko sa office, nagkwento na ko kay Keiko. Dun ko na nalabas yung sama ng loob ko. Dun na ko bumigay.

Di ko alam kung anong mangyayari. Kung kakayanin ko pa ulit.

Asar. Bakit pa kasi pinauso ni Lord ang paga-asawa.

=============================================

Nagka-tsunami sa Asya. Ano ba? Kelan ba titigil ang kamatayan at sakuna? Ganito na lamang ba ang galit sa tin ng tadhana? Nampucha naman eh. Paskong-pasko. Simbolo ng pagkabuhay. Bakit maraming namatay?

Ewan ko. Iiyak na lang muna ko.

Ba-bye na.

No comments:

Post a Comment