Wednesday, December 15, 2004

Matanda na ko.

hay... I dread the day that I will turn 30. Malapit na... Sa susunod na taon, tatlumpung taon na kong nabubuhay sa mundo.

At ano naman ang narating ko sa buhay? Sa aking paniniwala, wala po akong narating. Nalungkot ako kahapon dahil nakita ko sa Friendster ang dati kong kaklase sa kolehiyo. Pucha, HR Head na ito.

Eh, ako? Ang iniisip ko, ironic. Nagtapos kami na nangunguna ako. Graduated with honors... pero, ano?

Eto, eRep.

Pero naisip ko kanina lamang, bakit ko ikukumpara ang sarili ko sa iba? Naisip ko, marami rin pala akong nagawa... marami ring narating. Hindi ko nga lang nakita. O, siguro, piniringan ko ang aking mga mata, sinarado ito dahil nasilaw sa nakikitang hindi kaaya-aya.

Hindi naging importante sa paningin ko na nagkaroon ako ng tatlong matatalinong anak. O, yung pagpasa ko ng LET. O, yung pag-aaral ko ng ibang kurso. Inakala ko na ang katayugan ay nakikita sa dami ng pera sa bulsa, o sa mga letrang nakakabit sa dulo ng iyong pangalan tulad ng M.D. at PhD.

Sabi ko nga, none are so blind as they that won't see.

Dapat eksperto ako dito. Pero, ganun talaga eh. Kadalasan, yung maganda at tama, hindi ko makita. Blinded by angst and self-pity? Siguro.

Kaya sabi ko sa sarili ko:
"Achie, next year think happy thoughts so you can fly."

Ergo, lilipad ako sa isang taon. Hindi yung sobrang taas na pwede akong malula at himatayin at paglaon ay bumagsak. Lilipad ako sa taas na kaya ko, at yung kaya pa ring abutin ng ibang nagmamasid ng aking paglayag.

Marami akong dapat baguhin sa buhay ko. Maraming dapat isaayos. Sana sa isang taon makamit ko na. Makita ko na yung hinahanap ko.

Sana ay di ko makalimutang tanggalin ang piring sa mga mata ko.

p.s.
opisyal nang ubos ang 13th month pay ko.

No comments:

Post a Comment