Thursday, December 23, 2004

a million curses

Potah. Punyeta. Gago. Tado. Leche. Fuck. Shit.

Ayoko ng magmura. Di naman ako nagmumura kasi may minumura ako. Nagmumura ako kasi gusto ko lang. Nagiging 'expression' ko ang pagmumura. Pangit. Di ko gusto, pero nasanay na ko.

Sabi ko, di na ko magmumura... maraming nagsasabi ng:

"yeah, right."
"As if!"

Maraming ayaw maniwala. Di ko raw kaya. Pero kelangan kayanin ko. Di lang para sa kin, kundi para sa mga anak ko.

Narealize ko lang ang impact ng pagmumura sa buhay ko nung narinig ko ang anak kong 3 years old na magmura, complete with the middle finger pa. OMG. At sino ang minura niya? Kapatid ko!

Syempre nagalit ako, pero sabi ng nanay ko, sa kin daw nakukuha ng anak ko yun. Dun ko lang na-realize... i'm a bad example. The last time I heard him, sabi niya "tanging ina mo!" at nung tiningnan ko cya, sabi niya, "o, hindi yun mura... kanta yun ni Ai-Ai!" Hindi ko alam kung matatawa ako. Tatlong taon pa lang!!! Wah!!!

Kaya sabi ko, this new year, di na dapat ako magmumura. Keiko wants to try if she could do it, too.

So, we are experiencing 'withdrawal symptoms' as of this writing. Whenever we say a curse, i say 'ding-ding-ding!'

As of today, i have uttered 7 curses already. Grrr!!!!

Current Mood: Sick (paki-scratch throat ko... kati eh...)
Current Music: None
Current Prayer: Lord, help me hold my tongue.

No comments:

Post a Comment