Friday, December 31, 2004

naiyak ako kagabi.

naisip ko kasi:

pano na pag umalis sila mama at papa?

wala na akong kasabay kumain.
wala na akong kasamang manood ng dalawang sine straight.
wala ng magaalaga ng anak ko.
wala na akong kasamang kakain sa iba-ibang fastfood sa glorietta.
wala ng gagawa ng computer pag nasira.
wala ng magda-download ng games sa computer.
wala ng magkukwento kung anong ginawa ng mga anak ko buong araw.
wala na akong kakampi pag may umaway sa kin.
wala ng magbabayad ng kuryente, tubig, telepono (patay!).

maraming mawawala.

pero naisip ko, di naman sila mawawala eh...

malalayo lang.

meron namang email, telepono, at YM...

siguro naman, hindi ganun kahirap pag nasanay na ko... kami.

sana lang maging okay sila sa amerika... sana hindi sila magkasakit dun, o kaya mawalan ng pera, o kaya mastranded sa subway (?), o kaya di makakuha ng taxi, o kaya mapagkamalang hapon, o kaya mahuling nagje-jaywalking, o kaya ma-snatch-an ng cellphone...

hay... ewan.

bahala na si batman.

No comments:

Post a Comment