Tuesday, December 28, 2004

singhot.

bakit ba naimbento ang singhot? well, syempre naman kasi reflex kumbaga. pag may sipon na tutulo, dapat suminghot. Potek... ang sakit na ng ulo ko kakasinghot at kakasinga... pakiramdam ko nagsusugat na ilong ko!!!

kanino ba ko nahawa ng sakit na ito??? naging kamukha ko tuloy si Heidee Yorac... para akong ni-yorac-an, in other words...

badtrif ang magkasakit... di mo magawa ang mga gusto mo... like edit blog templates! har-har-har... meron po kasi akong natagpuang mga cuteness na GIFs na bagay sa blog ng honey ko... kaso, wala akong ganang mag-edit today, at maghost ng kung ano-anong achuchuchus... feeling ko, i'm so pakd up!

to meyk matters worserer, huling lamay ng tyuhin ko later... so kelangang andun kame... ike-cremate na sya bukas ng umaga... syempre naman, absent ako bukas.

kelangan kong magdala ng sandamakmak na kleenex... potek, yumayaman na sa kin ang Kimberly-Clark...

bakit kaya pag may sipon ako, gusto ko ng maasim? ganon ata talaga eh... kung anong kelangan ng katawan mo (vitamin c), yun din ang hahanapin ng katawan mo... so kung feeling mo eh, gusto mo ng maligo... GO!!! ibig lang sabihin nun, nangangalingasaw ka na...

hay... tama na to...

gist of the story: may sakit po ako.
current mood: sick and mourning
current song: she's the one, robbie williams
current prayer: good lowrd! ayoko na!!! gusto ko ng matulog! wah!

*singhot*

No comments:

Post a Comment