Thursday, January 20, 2005

la lang.

nag-leave ako sa opisina kahapon kasi nag-text sa kin yung helper namin na may seminar daw sa school nila Dale at dapat daw eh, parents ang umattend. pagdating ko dun, sabi nung isang teacher: "ma'am, bakit andito ka eh dapat nga ikaw pa nagse-seminar sa min eh." ang topic: Autism.

sus.

pero i stayed pa rin, syempre andun na ko. at yung isa namang naging titser ng anak ko, sabay lapit sa kin na magbigay daw ako ng on-the-spot testimonial. ayoko sana, kasi i always end up crying when i talk about Dale. On the spot pa. di ako ready!!! hehe.

true enough, naiyak ako. at napaiyak ko half ng mga taong umattend.

putek.

pag-uwi ko sa bahay, natulog na lang ako. katabi ko si Anton at Anea. As usual, si Kuya Dale nag-computer maghapon. galit pa yun nung gabi na at turn na raw niya sa computer. addict!

nagpunta sa bahay si Dada to spend some time with me and the kids. Dala-dala niya yung digicam kasi si Aga, Charlene at ang kanilang twins eh nag-shoot ng commercial sa store nila sa BF. Pinakita niya sa kin yung videos and pictures na kinunan nila. kakatawa. umuwi din siya after niya kumain.

si Keiko nag-halfday ngayon kasi nagpa-checkup sa doctor. i'm guessing na this week manganganak na sya. excited na ko. hehe.

nway, wala lang... nawalan na rin kasi ako ng magandang maisusulat. tinatamad na akong mag-blog. how sad.

inuubo na naman ako. tumataba lalo. inaantok.

bow. wow. wow.

No comments:

Post a Comment