Thursday, February 17, 2005

Bes

nakilala ko siya nung nasa kolehiyo pa lamang ako. sa Letran din sya nagaaral nun. akala ko pa nga suplada. well, suplada naman talaga cya. di naman kami ganun ka-close nun, kasi may kanya-kanya rin naman kaming mga barkada.


di ko alam kung kelan nagsimula o kung pano. di ko na matandaan. napansin ko na lang ang sarili ko na hinahanap-hanap cya. parang nagiging kulang ang araw kapag hindi kami nakakapag-usap.

ang nakakatawa pa, halos pareho kami ng naging storya ng buhay. nung nabuntis ako habang nagaaral ako, buntis din pala cya (kay Daniella, inaanak ko). nung nabuntis ako kay Arolf, buntis din cya (kay Mikee). Hindi po. hindi namin pinaplano ang pagbubuntis. aksidente po ang lahat. (haha)


ang masaklap, nung nagkaproblema ako sa lablyp, ganun din sya. ang siste, naging hingahan namin ang isa't-isa. iiyak ako, iiyak din sya. sya ang nagpupuno sa kakulangan ko. siya ang nagpapaalala ng mga bagay na nakalimutan ko na. siya ang nakikinig. siya rin ang umuuntog sa kin at kumukurot sa braso ko para ako ay magising.

isang araw, na-realize ko, siya lang ang bukod-tangi kong kaibigan na hindi ako iniwan. kahit nasa Muntinlupa sya at nasa Pasay ako. kahit na isang beses lang sa isang taon kami minsan magkita. di niya pa rin ako nakakalimutan.


Tinawag ko siyang bestfriend, at hindi lamang ito naging totoo sa salita. minsan, nagkakainisan, lalo na pag umiiral ang pagka-secretive niya. naiintindihan ko. lahat naman tayo kailangan din natin ang paminsan-minsan na pananahimik. kasi, madaldal na nga ako, pati ba naman sya? har-har.

pero lahat ng bagay sa min, hindi pwedeng maayos... kuntento na kami sa mga nakaw na sandali... kuntento na sa tatlong oras na pagsasama habang ninanamnam ang isang tall frap sa Starbucks.


Ngayon, lampas sampung taon na, magkasama pa rin kami... di laging nagkikita... di laging naguusap... hindi ko pwedeng sabihin na lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko... ni hindi ko nga alam ang peborit color niya (pula ata)... hindi ko alam kung gano sya katangkad (4'11 cguro)... hindi ko rin alam kung ano ang mga pangarap niya... hindi ko saulo ang celphone number niya (basta alam ko One of Them sya)... hindi ko rin alam kung ilang beses na syang naospital... o kung minsan ba siyang napatira sa Palawan...



isa lang ang alam ko.

mahal ko sya, at mahal niya ko.

(at kundi lang kami parehong malandi, mapagkakamalan mo kaming mag-syota)

p.s.
teka, alam ko nga po pala ang password ng email niya.

p.p.s.
kaya po ganyan ang pictures niya, kasi stolen shots po yan. hindi po siya mahilig magpapityur.

No comments:

Post a Comment