Tuesday, February 22, 2005

Lesson 5: Am I Just Imagining Things?

MYY: What would you rather do, read a book or watch a movie?

Bochog: Read a book!

MYY: Why?

Bochog: Because mas marami kang matututunan.

MYY: Meron ka rin namang matututunan sa movie ah.

Bochog: Kasi... kasi...

MYY: Ano yung nagagamit mo sa pagbabasa ng libro na hindi mo masyadong magagamit pag nanonood ka ng movie?

Bochog: Mata?

MYY: Er...

(haha.)

MYY: It starts with the letter 'I'.

Bochog: Isip?

MYY: Nagiisip naman tayo kahit nanonood ng sine eh. Mas gumagana ang iyong i...

Bochog: Intelligence?

MYY: Hay... Im...

Bochog: Im... portance?

MYY: Ima...

Bochog: Imagination!

MYY: Tumpak! Mas gumagana yung imagination mo, kasi kapag nanonood ka ng sine, nakikita mo na kung pano nangyayari yung story. Pag sa libro, kailangan mo pang imagine-in kung pano sya nangyayari... ano kaya ang hitsura nung bida... kung sa kanan ba siya dumaan... kung ano'ng kulay ng damit niya.

Hay... I think this will be a long day...

Bochog: Mommy! Ako lang ang nakaperpek sa Science!

MYY: Ano? Perpek?

(irritated)

Bochog: Ako lang ang naka ferfek sa Science!

MYY: Haha. Ferfek? May ep depek ka na?

(rolls eyes in dismay)

Bochog: Ako lang ang nakasagot lahat ng tama sa Science. Masaya ka na?

Yes, anak. Masayang masaya.

No comments:

Post a Comment