Thursday, February 24, 2005

Lesson 8: Ang tunay na pag-ibig.

Nung nabasa ko yung post nung dati kong supervisor, bigla akong nalungkot. Naisip ko, pinagdaanan ko yung pinagdadaanan niya dati. Nakakarelate siguro ako, pero isa lang ang sure: kung 'tanga' cya sa paningin ng iba, ano pa kaya ako?

Nung ipinaglalaban ko pa ang paniniwala ko noon na totoo, ang ideya niya na "He may not be perfect but I know that he's the perfect one for me." ang aking naging ritwal na sagot sa aking mga kaibigan na nagsasabi sa akin na isa akong gagang martir na dapat pagawan ng monumento sa kanto ng Libertad.

Marami ring nangyari sa lablyp ko na... ewan. Masakit. Mahapdi. Walang kasiguruhan. Bigla kong naalala yung mga nangyari... yung mga babae... yung mga pasa... yung mga mura... yung mga nasabi... yung mga narinig... narealize ko--masakit pa pala. Syet.

Ang mas masakit, nangangarap pa rin ako ng dilat ang mata. At wala akong magawa. Kasi ganito ang buhay. Hindi lang ito umiikot ng dahil sa akin. Ripple Effect. Ginusto ko to, paninindigan ko.

Iniisip nila na maaayos ang buhay ko sa paghiwalay sa kanya. Pero sa kin, hindi importante na maging maligaya sa pag-ibig kung siya namang ikasisira ng buhay ng iba. At hindi lang isang buhay, kundi tatlo.

Sa tingin nila ay aayos ang buhay ko. Hindi. Dahil sila ang buhay ko. Pag nasira sila, para na rin akong nalunod sa sarili kong luha.

Nandito ako hangga't sa kaya ko pang huminga. Hindi para makaexperience ng kilig o makapagbuntong-hininga dahil sa ligaya. Andito ako para sa tatlong anghel na kami ang lumikha. Para sa akin, ito ang pag-ibig.

At para sa aking dating supervisor: If it doesn't end happily, just make sure that it doesn't end you all together.

No comments:

Post a Comment