Tuesday, February 08, 2005

of Canada and Voice

hay... nilipat na naman kami ng workstations today... kakainis!

wala akong ginawa half of the day... tinatamad akong mag-work... wala akong ginawa kundi ayusin tong blog ko at mag-surf tungkol sa Canada.

I already talked to Dada, at pumayag na siya na kung maayos ang lahat, we'll migrate to Canada. I just found out that Ontario is katabi lang ng New York. Kung matuloy lahat ng plano, sana nga nasa NY na lang sila Mama para malapit lang sa Ontario, where we plan to stay, if ever.

Kulang na lang sa min, datung. Mga 300-400 thousand pesos ang kelangan. Pero naisip ko naman, meron naman kaming assets like the kids' educational plans, mga 190T worth din. There's the car and other appliances, na hindi naman namin madadala so might as well sell them all para makapunta kami dun...

Ewan ko ba... I'd really like to go somewhere else to start anew. Parang masyadong maraming nangyaring masakit dito sa amin sa Pinas. That going somewhere else as a family, starting as a family, is the only way that I could forget everything that happened here... to get away from the past that continuously haunts me.

I know that Dada has changed a lot... big improvement... but it isn't enough for me...

Sana lang, ma-grant yung wish ko na makapagsimula kami ulit as a family. I like Canada secondary to the States kasi free primary and secondary education, and healthcare kami dun. And most of all, madaling makapunta dun, di gaya sa States.

'Coz if we're gonna wait for my parents' petition, it will take us about 10 years of waiting. I already talked to my sister-in-law, and they are also interested in Canada... kung nagkataon, may makakasama naman pala kami dun...

Hay... I hope everything goes well... sana manalo ako sa lotto kahit di ako tumataya... sana may mayamang dumaan sa tabi ko sa kalye at bigyan ako ng 400T... sana magmilagro ang Diyos.

If not, there's always the 'Fly Now, Pay Later' plan. Hehehe.

Don't get me wrong... I'm still a Filipino at heart, dito ko pa rin gustong tumira sana, and I love my country... I just like to go away for personal reasons.

=================================

Naaawa ako kay Mai. I know how she feels. Yun din naramdaman ko nung nasa voice ako. Putek. Di ko naman kasi forte ang magbenta at mamilit ng tao kung ayaw.

There was a time that I literally run and barfed in the CR just coz I couldn't take it anymore. Meron pang isang client na napaiyak ako kasi hindi ko siya matulungan sa problem niya sa account (pano, fraud-er sya) at sinabihan ba naman akong "you can't even speak english!" sabay bagsak ng telepono.

P#%$^&% I#$ nya eh pano niya ko naiintindihan kung di ako marunong mag-ingles. Putek, english teacher pa nga ako. Hindi ako fluent at British accent, pero hindi ako bobo. Pakshet sya. Ang kinagagalit ko dun, kasi binagsak niya agad yung fone. Di ako naka-retort! Jumping Jupiter talaga.

Marami pa kong naging experience nung nasa voice ako na hindi ko gusto... pumayat talaga ako nun... pagdating ko sa bahay, sa sobrang pagod, diretso tulog ako, with shoes and all! Holy Guacamoli!

Nway, sana mahanap ni Mai yung trabahong para talaga sa kanya... sana rin, kung maga-abroad sya, hindi sa Australia, kundi sa Canada na... di ba, Mai? Hehehe....

No comments:

Post a Comment