Thursday, February 17, 2005

Supporting People




hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa isang call center. marahil uso eh. tsaka bali-balita, malaki raw ang sweldo kapag dun ka nagtatrabaho.

nung kinailangan ko na ngang maghanap ng trabaho (halos dalawang taon po akong bakante at naga-aral ng M.A. in SPED sa UP), naisipan kong magpost ng resume sa Jobstreet. Nakita ko yung CC where i now work at nag-apply ako.

ilang araw lang, nag-email na. sabi tawag daw ako para sa isang phone-in question (interbyu ba). medyo kinakabahan ako nun. kasi alam ko dapat eh henyo ka sa pag-ingles.

pers queshun: what is customer service?

ako: ah... ah... (wala bang choices?) customer service is providing cherbaness... sori di ko na maalala kung ano kasunod nun.

second queshun: do you know anything about the call center industry, what we do?

ako: ah... ah... receive calls from clients?

ok, ok... hindi ako ganun katanga. natanggap ako dito, di ba?

babaeng hitad: ok, you can come here on ___ for a written exam, you need not dress up but i suggest you bring a jacket because it gets cold here.

EXAMINATION DAY

syempre, kinakabahan ako nun... ngayon lang po ako mage-employment exam sa tanan ng buhay ko... sa unang trabaho ko, hindi ako nagapply dun, hindi rin ako nag-exam... panel interview lang... nung tapos na nga yung interview eh, para akong tangang nagtanong ng:

is that it? am i accepted?

(smirk) yes.

don't i have to answer a written exam or something? (yes, i'm so naive)

(dumbfounded) you haven't taken the exam?!

(duh! kaya nga ako nagtatanong, hunghang!) not yet, sir.

I'll go check.

Si hunghang nga pala, i found out, is the Area Manager. Yaiks!

In short, di na raw nila ako pinagexam kasi magaling ang lola mo. (chos!)

Balik tayo:

pinaupo kami sa iba't ibang istasyon... wala po ata silang testing room... syempre the usual no cheating policies were announced. We were given test papers. I breathe a sigh of relief nung nakita kong puro english lang ito.

Marami-rami rin kaming nag-test... Medyo masama ang pakiramdam ko nun. Akala ko no match ako sa mga kasama kong nag-test. Eh, pucha, english spokening dollars ang mga loko... ang daming konyo... hehe.

well, oh well, hindi po pala madali. hehe. medyo nakakalito rin kasi halos pareho ang mga sagot.

tapos chinekan na yung mga papers. punyemas, tinawag ang mga pangalan ng halos lahat sa mga konyotik people na andun, at ang sabi eh,

follow me.

lagot. hindi ako nakuha. naisip ko cguradong cla yung mga pumasa. meron akong instinct na i-untog na lang ang ulo ko sa mesa. kakahiya!

maya-maya, dumating yung isang babae...

Congratulations! you passed the exam.

lahat kami parang...

potahng mga konyo yun... kala mo kung sinong magagaling, mga bagsak pala!

haha. this goes to prove na hindi lahat ng panget eh bobo.

pagkatapos nun, follow me na naman ang drama nung babae.

kami naman parang sumusunod sa pied piper.

next stop: typing exam!

pakshet! nagulat ang lahat. di namin alam na may typing exam pala.

pero, kampante naman ako kasi alam ko na medyo mabilis akong mag-type. 30-35 wpm ang passing mark. naisip ko, mahirap ata. kaya ko ba to?

ang wpm ko? 54.

pagkatapos nun, naghiwa-hiwalay na kami. merong mga pinauwi na. ako naman, pinag-stay. pwede daw ba akong maghintay for another interview.

lekat. gutom na ko eh. kalahating araw na kong andun, ni hindi man lang ako makainom ng tubig.

ok. (smile)

namputsa. alas sais na, wala pa ring nagiinterbyu sa kin.

restless na ko syempre. asar na rin. masamang gutumin si Achie.

Came this guy, pasipsip-sipsip pa sya ng iced tea.

(nananadya ka ba?)

Rachelle?

yes.

Follow me.

What's with HRD people and the words 'Follow Me'?

Pasok kami sa isang conference room.

How are you feeling?

(walang kurap, walang smile) I'm.... starving?!

(dumbfounded-felt-like-an-ass-look) uh... ok... let's get this over with so we can finish early.

questions were fired. nothing like those stupid ten year plan questions, though.

Ok. Since, you're already starving, i'm gonna exempt you from the phone sims (holding up a tiny paper). Don't tell anyone since I rarely do this. Somebody will call you if you are accepted, which I'm pretty sure you will.

Ok. Thanks.

Umuwi na ko. Hapong-hapo. Gutom na gutom.

Pagdating ko ng bahay direcho ako sa kusina. Uupo pa lang ako para kumain ng biglang...

Rrrringg....!

Potek naman. Si Mama ko na ang sumagot. Yung inapplyan ko daw. How fast!

Accepted daw ako, if I can come to a contract signing churvaness.

August 25 nagsimula ang kalbaryo ko. Ni wala sa hinagap kong naisip na...

I will never be the same again.

The rest is history.

Yung mga pictures sa itaas? Bukod sa pera, sila lang ang rason kung bakit andito pa ako. (pasensya na sa ibang walang pictures, you know who you are... wala akong mahagilap eh.)

No comments:

Post a Comment