Monday, March 21, 2005

Pren

bago ako umalis papuntang ospital, naisip ko lang na mag-post sandali. naisip ko kasi kanina na para akong biglang hinarapan ni Boy Abunda ng salamin at saka ako ay inurirat.

"sino ba sa mga kaibigan mo ang matatawag mong matalik mong kaibigan?"

napakamot ako ng ulo at walang kaabog-abog kong sinabi na... "si Weng, sino pa ba?"

Pero bigla akong natigilan... napaisip ng malawak at napabuntung-hininga ng malalim. Kung ililista ko siguro ang lahat ng mga kaibigan ko sa isang papel na merong mga checkbox sa gilid, pde ko silang isa-isang piliin.

Weng -- check

Given na si Weng. Simula pa kolehiyo, bespren ko na yun eh.

Pero meron pang iba. Sure ako meron pa. Kasi hindi lang naman si Weng ang nakakasama ko eh. Hm... Halimbawa...

Jeng (kaklase ko sa PNU) -- check
Noel (kaklase ko sa PNU) -- check
Gil (kaklase ko sa PNU) -- check
Archie (katulong namin) -- check
Ces (officemate) -- check

Hm... marami pang iba... hindi ko lang maikategorya kung talagang panghabang-buhay eh, kaibigan pa rin nila ako.

Pero... simula nung isang buwan... naramdaman ko ang kakaibang saya... dumarating ang linggo na namimiss ko ang opisina... hinahanap ko ang tawa niya at ang mga sinasabi niya...

Marahil dahil kami ay parehong lokaret... o marahil kaya niya akong patawanin buong araw... hindi ko alam kung bakit... ngayon ko narealize na di lang pala si Weng ang bespren ko... meron pa palang iba... hindi pala nagiisa ang bespren sa buhay ng isang tao....

narealize ko na meron pa akong isang kaibigan sa tabi ko... na alam kong lagi akong sasamahan sa hirap at ginhawa...

na napatunayan ko, na hindi ko pala siya maipagpapalit sa kahit sinomang naging kaibigan ko rito, kahit sino pa man ang dumating. kahit inakala ko na merong pdeng madagdag sa listahan ko ng mga besprens... narealize ko na kahit magdagdag ako, kundi rin naman ako idadagdag sa kanyang listahan, wala rin.

at least, alam kong kaibigan ako nito, kahit ginawa na niyang pastime ang pagpuna sa kasuotan ko o ang hindi ko pagaayos ng sarili. kahit na minsan alam ko naaasar na siya sa kin sa mga kataklesahan ko at mga kalokohan na naaapektuhan siya.

alam kong kahit anong mangyari, nasa listahan niya ko, dahil mahal niya ko.

Mai -- check

salamat, pren. aylabshu.



p.s.
meron akong mga taong hindi ginawang halimbawa, alam ko. sana wag magtampo.
Scarface, hindi kasama rito ang mga kadugo. given na din na ikaw ay bespren ko by default.

No comments:

Post a Comment