Saturday, March 26, 2005

wala akong karapatan

marami ng nangyari. marami ng nasabi. marami ng kumalat. kahapon ko lang napagtanto--

wala akong karapatang magsabi kung ano ang tama at mali.
wala akong karapatang manlait ng tao.
wala akong karapatang manira ng puri ng iba.
wala akong karapatang pagpiyestahan ang buhay ng ibang tao.
wala akong karapatang magpayo sa mga taong bingi.
wala akong karapatang ipamukha sa tao na mali ang ginagawa nila.
wala akong karapatang sabihin na mali siya, dahil hindi lang siya ang nagkamali.
wala akong karapatang sabihin na tanga siya, dahil mas naunang naging tanga yung iba.
wala akong karapatang sabihin na malandi siya, dahil alam kong mas may malandi pa sa kanya.
wala akong karapatang magsabi na wala siyang delikadesa, dahil hindi siya nagiisa.
wala akong karapatang manghusga, dahil kailanman hindi naging kasalanan ang umibig.
wala akong karapatang magbato ng bato, dahil hindi ako santo.
wala akong karapatang manhimasok, dahil hindi ako apektado.

ang tanong, kanino ako kumakampi?

wala.

naiintindihan ko ang bawat taong apektado sa problemang ito. lahat may mali. oo, lahat may mali. hindi lang siya, yung nauna rin. una pa lang mali na. pero hindi ko na kailangang ipamukha sa kanya ang katotohanang noon pa man ay alam niya na. sabi nga, i don't need to rub it in.

hindi ko kailangang ulit-ulitin pa... WALA AKONG KARAPATAN.

ito lang ang masasabi ko sa mga usapang umaaligid. natuto na po ako.

hindi na ko magsasalita tungkol dito dahil sa mga rason na naipahayag ko na. kaya, pakiusap, wag na kayong lumapit sa akin para magtanong kung ano'ng alam ko. wag niyo ng isipin na puno ako ng kwento na gusto kong ibahagi sa inyo. tama na. hindi ako ang tamang tao na pagtanungan nito.

may sari-sarili silang karapatan na gusto nilang ibahagi din sa lahat ng tao. may sari-sarili silang mga taong gusto lang nilang pakinggan at kunan ng pananaw. at hindi ako kasama sa listahan na yun.

ang alam ko lang na karapatan ko ay ang manahimik.

No comments:

Post a Comment