Wednesday, April 27, 2005

Charlie... san ka man naroroon.

hindi ko alam kung bakit mo ako ginaganito... hindi kita inaano... ni hindi ka nabubuhay sa mundo ko... hindi kita kaibigan... wala kang kontribusyon sa aking kasiyahan o kalungkutan.

hindi ko akalain na bigla mo akong bibigyan ng hinanakit... ang tanging alam ko, ginawa ko lamang ang pinagu-utos sa akin... ang tanging alam ko, hindi ko hiningi ang posisyon na ito.

gusto mo? sa iyo na lang.

hindi mo ako kailangang gawan ng kwento.... hindi mo kailangang ipaalam sa iba na gumagawa ako ng hindi tama... dahil wala kang alam. hindi mo alam na yung binibintang mo sa akin ay hindi totoo. hindi mataas ang ihi ko... hindi mataas ang tingin ko sa sarili ko.

sana hindi ka nagiimbento na ako ang naunang nagpadala sa iyo ng mensahe dahil alam ng Diyos na hindi... may mga testigo ako... ikaw ba meron? bakit hindi mo na lang diretsuhin at tanungin kung bakit ko ginagamit ang gamit ng iba? simple di ba?

hindi yung nagiimbento ka.... napagkakamalan ka tuloy na baliw. yun ka ba talaga? nababaliw na? kawawa ka naman. kawawa naman ang mga mahal mo sa buhay.

hindi mo alam na noon pa, alam na niya na ginagamit ko ang gamit niya. hindi ko yun ginagamit sa masama... hindi ko yun ginagamit sa hindi tama.

alam ng pinagsabihan mo yun... kasi katabi ko siya nung gawin ko yun... alam yun nung may ari, kasi nagsimula pa lamang kayo, OIC pa ako noon, ginagamit ko na yun.

matagal na ako sa trabahong ito... ang sigurado ako, alam ko kung ano ang ginagawa ko... alam ko ang trabaho ko... alam ko kung saan ako lulugar.

alam ko rin na ginagawa ko ang trabaho ko ng tama. alam ko rin na ginagawa ko rin ang hindi ko na trabaho, dahil gusto kong makatulong.

dahil ba ito sa pagkakapanalo ko? sino ka para kwestyunin ang resulta na patimpalak? sino ka para magtanong sa ibang tao kung bakit hindi sila nanalo?

gusto mo? sa iyo na lang.

dahil sa tatlong libo, naiinggit ka? alam ko na importante ang pera sa mundo... pero hindi ako mukhang pera. ang ipinaglalaban ko... prinsipyo. ang sinasabi ko lang, sana naging pantay ang tingin ng nakatataas sa ating lahat... hindi lamang sa akin. gusto ko, maisip nila na importante din tayo sa kumpanyang ito.

hindi madali ang sumagot ng mga sulat ng kano. hindi madaling gawin ito araw-araw, ng may pagi-ingat at ibayong pagdarasal na sana ay tama ang iyong isinulat, at gawin ito dalawang daan at tatlumpong beses sa isang araw. hindi madali na pumasok araw-araw ng tama sa oras. hindi madali na tiyaking tama ang lahat.

gusto mong malaman ang batayan? kung hindi mo alam... asin lang ang katapat niyan.

alam ko marami ka pang mga imbentong gagawin... marami ka pang mga kalokohang iisipin para ibagsak ako... gud lak sa yo kung kaya mo... dahil hindi ako gawa sa marupok na materyales. hindi ako pinalaki ng nanay ko para maging talunan.

hindi ka nararapat dito... hindi ka dapat dito nagtatrabaho... ni hindi ka dapat magtrabaho kahit saan... may sakit ka... may lamat ang katinuan mo... halata naman... sana lang malaman mo... maisip mo... na sumusobra ka na... na kailangan mo na ng tulong...

sana maisip mo na may anak ka... na babae ka rin...

aminado ako, maraming araw na binigyan mo ako ng sakit ng ulo... aminado ako, maraming beses mo na akong nilito sa trabaho... pero tapos na ang mga maliligayang araw mo... sisiguraduhin ko na sa susunod na subukan mong kalabanin ako, masisiraan ka na talaga ng bait.
mabait akong tao... alam yan ng lahat.
mahaba ang pasensya ko... alam yan ng lahat.
tanga ako pagdating sa pag-ibig... alam yan ng lahat.
magaling ako pag ginusto ko... alam yan ng lahat.
iyakin ako... alam yan ng lahat.

kung meron mang isang hindi alam ng lahat ay ito--
malalim akong magmahal... mas malalim ako kapag nagalit.

nagkamali ka ng pagpili ng taong gagaguhin mo.

tangina ka... parang pagong, magtago ka na.

No comments:

Post a Comment