Monday, April 11, 2005

Confessions of a frustrated singer.

Current Mood:

Food Craving: kesong puti

I Miss: Bes Wena

Listening To/LSS:

The Closer I Get To You
Roberta Flack & Donny Hathaway

The closer i get to you
The more you'll make me see
Like giving me all you've got
Your love has captured me

Over and over again
I'll try to tell myself that we
Could never be more than friends
And all the while inside
I knew it was real
The way you make me feel

Lying here next to you
Time just seems to fly
Needing you more and more
Let's give love a try

Sweeter than sweeter love grows
And heaven's there for those
Who fool the tricks of time
With the hearts in love you find
True love
In a special way

The closer i get to you
The more you'll make me see
By giving me all you've got
Your love has captured me

Over and over again
I'll try to tell myself that we
Could never be more than friends
And all the while inside
I knew it was real
The way you make me feel

The closer i get to you
The more you'll make me see
By giving you all i've got
Your love has captured me




namulat ako sa katotohanang mas makulay ang mundo kapag may musika. lumaki ako sa tahanang puno nito. ang tatay ko, bukod sa dating myembro ng isang banda simula nung bata pa siya, ay napakahilig makinig ng mga kanta ng Beatles, Everly Brothers at ng Ventures. Kaya wag kayong magtataka kung medyo saulo ko pa ang mga lyrics ng Hey Jude at Sugar, Sugar ng The Archies.

naaalala ko pa noon na pinanood ko ang tatay kong tumugtog ng gitara. naiinggit nga ako sa kanya dati, kasi papakinggan niya lang, alam niya na kung ano ang nota nito. uuwidohin na niya yun.

ang mga lolo ko, halos lahat ay marunong tumugtog ng instrumento, lalo na ang piano. meron pa akong lolo na kompositor, na kilala rin naman ng maraming matatandang mahilig din sa musika. nagulat na lang din ako minsan, ng ang isang matandang babae na myembro ng parokya ng Santo Domingo kung saan ako nagtatrabaho dati, ay tinanong ako kung kaano-ano ko si Dr. Cornejo, yung kompositor.

aba'y lolo ko po. meron po ba kayong pina-opera sa kanya?

dyaskeng bata ito. hinde! gusto ko lang kasi ang mga musikang sinulat niya dati.

hay... dahil sa pressure na ito... pinag-aral din ako ng nanay ko na tumugtog ng piano. trying hard, pero nakaya ko naman. ilang mga bakasyon din akong nag-aral at nagsumikap. pero, wala talaga. siguro, kapag hindi mo sadyang talento ang magkaroon ng ear for music, hindi ka gagaling. pero, naka-ilang sali din ako sa mga recital at natuto naman akong bumasa ng mga nota. naging paborito kong tugtugin ang Fur Elise na tinuro sa akin ng Lolo Fed ko.

dumating ang panahon na nagsawa akong mag-piano. pinalitan ito ng organ. lalong hindi ko kinaya. pero ang tatay ko, kinarir pa rin ang pagtugtog dito. aba'y talentado.

medyo naimbyerna ang nanay ko, binenta ang mga instrumento. ginawa ko na lang, nag-aral akong mag-gitara. nampucha, kung ano yung gusto kong matutunan, sya namang ayaw sa akin. hindi kinaya ng aking mga daliri ang pag-pluck ng strings.

hay.... nauwi ako sa pagkanta. believe it or not, out of 40 students sa klase, ako lang ang napili ng maestro naming masungit sa St. Mary's na masali sa Glee Club. Sapilitan po ito, kasi naman wala ng gustong sumali doon kasi sa reputasyon ng mayabang na maestro, at sa haba ng ensayo. ito rin ang dahilan kung bakit isang araw lang akong nagensayo, hindi na ako bumalik pa. batuhin ka ba naman ng ashtray. gagong yun. ang totoo, hindi naman ako ang binabato niya, galit sya sa aming lahat, kaso lang nung binato niya, sa may akin bumanda. buti hindi nabukulan ang lola mo.
pero, hindi pa rin ako tumigil sa pagkanta. sa banyo, sa sala... kumakain, nagbubunot ng sahig, nagtatanggal ng puting buhok ng tatay ko, naglalaba, naliligo... kahit ano pa ang ginagawa ko, kumakanta ako. may tugtog man o wala. Gustong gusto ng tatay ko na kantahin ko ang mga kanta ni Crystal Gale, at ang nanay ko naman, kahit saang okasyon, pinakakanta sa akin ang Memory ni Barry Manilow.

Ginusto ng nanay ko na pag-aralin ako under Ryan Cayabyab, pero hindi ako pumayag. Anak ng teteng. Alam ko namang hindi ako magaling kumanta, pero sigurado ako na hindi ako sintunado. Nakahiligan ko ang sari-saring tugtugin. Dig ko halos lahat, basta wag lang yung metal at sobrang nakakaantok. nanonood pa ako ng reruns ng contest na Name That Tune, at hanga sa akin ang nanay ko kapag nakakasagot ako.

Gustong gusto ko kapag ako ay kumakanta habang naga-ayos ng kuwarto at naririnig ko rin ang tatay ko na nasa third floor at sinasabayan ako. Siya ang aking second voice. Tulad na lang ng kantang Ain't No Mountain High Enough.

Listen, baby
Ain't no mountain high
Ain't no valley low
Ain't no river wide enough, baby
If you need me, call me
No matter where you are
No matter how far
Just call my name
I'll be there in a hurry
You don't have to worry
'Cause baby,
There ain't no mountain high enough
Ain't no valley low enough
Ain't no river wide enough
To keep me from getting to you
Remember the day
I set you free
I told you
You could always count on me
From that day on I made a vow
I'll be there when you want me
Some way,some how
'Cause baby,
There ain't no mountain high enough
Ain't no valley low enough
Ain't no river wide enough
To keep me from getting to you
No wind, no rain
My love is alive
Way down in my heart
Although we are miles apart
If you ever need a helping hand
I'll be there on the double
As fast as I can
Don't you know that
There ain't no mountain high enough
Ain't no valley low enough
Ain't no river wide enough
To keep me from getting to you
Don't you know that
There ain't no mountain high enough
Ain't no valley low enough
Ain't no river wide enough

sa lahat ng timpalak sa eskuwela, sa Sayawit at kung ano pa, pambato ako ng mga seksyon na napuntahan ko. nagkaroon pa ng time na noong Sayawit nung Second year ako (section Bloodstone), di ko na dapat kakayanin ang pagkanta kasi ang sama-sama ng pakiramdam ko. as in para na akong mamamatay. nakapila kami sa corridor habang hinihintay namin matapos ang mga nauna. pero lumapit sa akin ang professor at ang aking mga kaklase at pinakiusapan ako na tapusin ang timpalak. siguradong matatalo sila kapag hindi ako sumali, ika nila (mga hunghang na yon... naga-agaw buhay na ko, pakakantahin pa rin ako).

sumali pa rin ako, pinilit kong tapusin ang numero. Jambalaya ang kinanta namin, tandang tanda ko pa. Ako ang lider ng alto. Kinuntrol ko ang hilo. Muntik na rin akong matumba, sige pa rin ako sa pagkanta at sayaw.

Pagkatapos, umuwi na ako agad para magpahinga. hindi ko na hinintay ang mga magulang ko na tapusin nila ang palabas. Syempre naman, kami ang panalo.

Nagkasakit ako noon, mga isang linggo pa. Naisipan na ng nanay ko na dalhin ako sa doktor. Naconfine ako. Diagnosis: Hepa A. Nampucha. Wala akong kinain kundi matatamis. Mga jaported na candies ang lagi nilang uwi sa akin. Nanghina ako noon, naging buto't balat. Nanilaw. Ang sagwa, pramis. yuckers talaga.

Pero, isang bagay lang ang nagpasaya sa akin.... ang tropeyo na inihandog sa akin ng aking mga kaklase. Dinedicate nila ang pagkapanalo nila sa akin. how sweet...

Nung nasa kolehiyo, nagulat pa ang mga kaklase ko noon nung minsan tinanong nila sa akin kung alam ko ang tono ng isang tagalog na kanta. Kinanta ko na parang kaswal na parang kasali ako sa isang singing contest. At nagtinginan sila sa akin, jaws hanging.

Ako naman, parang "uh, baket?"

May boses daw pala akong tinatago, hindi nila inakala.

"Tago ko na lang no? Hahaha."

Tumigil lang ako ng habit na pagkanta nung minsan eh narinig ko ang pamangkin ko, belting out a Mariah Carey song, in a, um... unimaginable way. Narinig ko siya nung... andun pa lang ako sa kanto ng street namin.

Napagtanto ko, punyemas, ganito rin ba ang naiisip ng mga tao noong ako naman ang bumibirit? Hindi ko akalain na rinig na rinig pala sa labas ang boses ko noon. Major ewness talaga. Nagkataon na nag-asawa na rin ako at nanganak, nawala na rin ang interes ko sa pagkanta. Ngayon, kahit subukan ko, hindi ko na kaya. Nasasagwaan na ako sa boses ko. Di ko na maabot ang mga notang dati ay kayang kaya ko pa.

Kasabay ng paglaho ng interes ko sa pagkanta, ngayon ko lang naisip na nawala rin ang kulay ng mundo ko. Kasabay ng pagpanaw ng tamang tono ng boses ko, ngayon ko lang naisip na kasabay nitong nawala ang saya at pagkagaan ng pakiramdam tuwing malungkot ang buhay. Kasabay nito ang pagtigil din ng normal naming pagdu-duet ng tatay ko. At iyon ang pinakapinanghihinayangan ko.

Ano't ano pa man, marami akong mga naitagong magagandang ala-ala dulot ng aking pagkahilig sa musika at pag-awit. At ito ang mga sandaling hinuhugot ko sa tamang oras na kailangan ko ng saysay sa buhay.

Lika, kanta tayo.

No comments:

Post a Comment