Tuesday, April 05, 2005

don't you just hate self-righteous people?

i mean, yes... at some point there will be someone who will make you so mad... who will do you wrong... but, i think you have to think first before you act and hurl accusations at someone you possibly don't even know that well.

minsan na akong nagmalinis. meron na rin akong mga naapakang tao. and i hated myself for it. na-realize ko na marami akong mali sa buhay. na hindi dapat ako magbato ng bato, when hindi ako perpektong tao.

alam ko dati, pinagpyestahan ko ang mga issue ng adultery at mga bawal na pag-ibig. pero, na-realize ko, wala akong karapatan. it is their lives, not mine. pero this time, I am making this point at baka sakaling merong mga taong magbasa nito na gaya rin ng karanasan. baka makatulong. baka may magising sa pagkakatulog. malay natin.

asawa rin ako. na-involved din sa bawal na pagmamahal. naranasan ko na rin ang lahat ng yan. alam ko yung sakit. alam ko yung hirap. naiintindihan ko both aspects.

sana lang, maintindihan din ng lahat na hindi dapat kinakampihan ang kahit sino sa mga taong involved sa isang bawal na love triangle dahil pare-pareho silang mali. walang dapat kaawaan dahil pare-pareho lang silang affected at nasasaktan.

ang pag-ibig ay hindi pinaplano. ang pag-ibig ay kailanman hindi naging kasalanan. it is what u make out of that love that's causing you to sin. at obvious na lahat kayo nagkasala. hindi lang siya o ikaw.

kung meron man akong kinakaawan, it's the little innocent people. Not you, not him, not her. Dahil matatanda na kayo. You should have known what you were getting into.

Ang pagpasok sa isang bawal na pag-ibig... mahirap... masakit... at walang kasiguruhan... kung nagawa sa asawa... magagawa sa kabit.

Just don't tell me I didn't tell you so.

No comments:

Post a Comment