Wednesday, April 06, 2005

for the nth time, NOT EVERYTHING IS ABOUT YOU

kahapon, na-late ako ng 75 minutes. Since meron kaming bet ni Mai na sa for every minute na late, we have to pay one peso, and the money that we can get from that, we will use to eat out.

So, may utang pa ako sa money pot ng 75, plus 4 pesos from cursing. Mamumulubi ako nito!

Buti na lang, kanina hindi ako na-late. Pero nakapagmura ako twice. Kaya 81 na ang utang ko. Eh, kung ilibre ko na lang kaya si Mai? Hahaha.



I'm happy today din coz Augee gave me two keychains from Boracay na ang design ay pawikan. Cute! Thanks, Augee!!!! I really appreciate your donation to my collection...



May lumapit sa akin kanina at ang sabi, may nagsabi daw sa kanya na basahin ang blog ko because of my post about hating self-righteous people. Hah! That's what I thought... Ganun na ba ako kasikat? Har-har. Dyok lang.

Naisip ko na na meron talagang magre-react. Please. Not everything is about the office affair. I said my piece before pa, na hindi na ako magsasalita. Wala na po akong pakialam. Sus. Wala na po ba akong ibang taong kakilala na ganun rin ang karanasan? I don't need to explain this to you, but to feed your curiosity, I also have a college friend, na ngayon ay namo-mroblema kasi yung dating kabit nung syota nya ngayon eh galit na galit sa kanya at kung ano-ano ang pinagsasabi. Kinumpronta pa siya and all. Same situation. Same everything. Different people.

I have that post in my drafts for quite some time, without a title and an ending. Kahapon ko lang siya na-finalize... nagkataon na meron palang maugong na buzz sa ibang blog.

As I said before, I've said enough. I've had enough tungkol dun. Kung meron mang nasaktan sa sinulat ko, malamang yun yung mga guilty na tinamaan na hindi makatulog dahil alam nilang tama ako. For once.

Wala akong kinakampihan sa kanila. Please lang, wag ng gawan ng issue. Hindi porket may nakita kayong nagbubulungan, sila na ang topic. Masaya ako dito sa floor coz I have Mai. Period.


May nagtanong sa kin kung hindi na kami friends. Bigla akong napahinto at napaisip. Ewan ko. Hindi ko alam if she ever treated me as one, or if she ever trusted me. Basta andito lang ako para makinig. Kahit na matigas ang ulo niya. Kahit sa tingin ko medyo sobra na yung ginagawa niya at medyo siya na mismo ang nagpapababa sa sarili niya. Ewan ko. Nasa sa kanya yun. Pero mahirap pasukin ang matibay na circle of friendship niya sa ibang tao eh. I think she has too many friends already para makisali pa ako at lalong magpagulo sa utak niya. Ok lang naman din ako. I just wish her the best.

O, o... baka sabihin niyo na naman si ano ang tinutukoy ko.... tsk. tsk.

Dahil sa sobrang hilo ko kahapon, nagpasundo na lang ako. Kumain kami sa bulaluhan ni Ka Isang sa may Evangelista. Kung hindi ka pa nakakakain dun, subukan mo. Sarap ng bulalo. Pero don't imagine na it's a fancy place.

At sa hindi ko na kinaya yung hilo, I already bought and took my meds for my Vertigo. Iinom din pala, ang dami pang arte.



ilang araw na akong nagke-crave for kilawing talaba. Ewan ko ba. My Dad and his friends used to prepare this as their pulutan kapag nagiinuman. Wish ko lang makakain na ko nun soon...



I chanced upon this cool webpage... cute nung may-ari... haha.. even Mai agreed with me.

wanna see him? Click here.



enough said.

No comments:

Post a Comment