Saturday, April 09, 2005

isang sulat na puno ng sumbat

bakit hindi na ako masaya? bakit hindi ko na kayang halikan ka? ano bang nangyari sa ating dalawa?

gusto kong kalimutan lahat, pero ayaw maalis sa utak ko yung mga imahe ng nakaraan. ayaw maalis yung sakit, yung yamot. at nadadagdagan pa, kasi hindi ko nakikita yung effort. wala akong nakikitang magandang ginagawa mo. kung meron man, it comes and goes swiftly. walang continuance. walang follow-up.

siguro, i'm blinded by hatred and pain.

tuwing umuuwi ka sa bahay, ang lagi ko lang naiisip, gusto mo lang dun, kasi gusto mong magparaos. ang sama ko di ba? pero yun talaga nararamdaman ko. kasi tuwing andun ka, hindi mo naman ako kinakausap ng tipikal na "how was your day?" hindi ko nararamdaman na gusto mo lang umuwi kasi gusto mo kaming makita, o makasama.

hindi ko narinig ni minsan na tanungin mo sa kin kung may kailangan ba ang mga bata. hindi mo rin kinakamusta kung may gatas pa ba si Letku. Hindi mo tinatanong kung may development ba kay Kuya. Hindi mo tinatanong kung nagawa na lahat ni Bochog yung assignment niya. kahit man lang sa tanong, makita ko, maramdaman ko na concerned ka sa min, hindi lang sa puson mo. hindi mo ba naiintindihan, na minsan kapag niyayakap kita, kelangan ko lang ng yakap na sukli? hindi ko kailangan ang ano pa mang mas matindi sa yakap.

hindi ko na naririnig na sabihin mong mahal ko ako. ni hindi mo na naiisip na uwian ako ng croissant pag nagmi-meeting kayo sa head office. hindi mo na rin ako tinetext dahil wala lang, naisip mo lang. hindi mo na rin ako nililibre ng sine, kasi sabi mo sayang ang pera. hindi mo ako sinasamahang mag-simba o mamili. hindi mo na ko sinasama sa palengke. hindi mo na ko sinusubuan kapag kumakain. hindi mo na ako pinagluluto ng fish fillet. hindi mo na ako binibigyan ng sulat.

kung may kailangan ako o ang mga bata, lagi na lang wala kang pera. pero kung may kailangan sa kotse mo, minsan kahit hindi kailangan, kaya mong i-swipe ang credit card mo.

tapos tatanungin mo ko, meron ba akong ginagawa para sa mga bata na hindi mo rin ginagawa? hindi kita sinagot noon. kasi iniisip ko, kung hindi mo alam ang sagot sa tanong mo, malamang wala akong kwentang ina.

hindi ko alam kung gumagawa ka rin ng project ni Bochog sa school, kasi sa pagkakaalam ko, ako ang gumagawa. Hindi ko alam kung tinuturuan mong magsulat si Letku, kasi sa pagkakaalam ko, hanggang ngayon hindi pa rin siya marunong. hindi ko alam kung pumupunta ka sa mga PTA meetings ng mga bata, kasi tuwing andun ako, hindi kita makita. hindi ko alam kung binibili mo sila ng bagong damit o sapatos, kasi puro na lang yung mga binili ko ang sinusuot nila. hindi ko alam kung bumibili ka ng gatas, kasi tuwing nasa inyo si Letku, humihingi pa siya sa bahay. hindi ko alam kung dinadala mo sila sa doktor para magpa-check-up kasi ang alam ko, ako ang kasama nila. hindi ko alam kung tinatanong mo ako kung kailangan ko ng pera pambili ng mga baon ng mga bata, kasi wala akong naririnig. marami akong hindi alam na ginagawa mo, pero alam ko na ginagawa ko.

pero bakit ko nga ba isusumbat sa yo lahat yun, eh responsibilidad ko rin yun bilang nanay nila?

bakit ko nga ba dapat ikumapara ang relationship natin sa ibang happy couple eh iba-iba naman ang tao?

siguro kasi, sawa na akong maging malungkot. hindi ko alam. hindi ko na talaga alam.

madali lang naman akong pasayahin. hindi ko naman hinihingi ang langit at lupa. ang gusto ko lang, ibalik mo yung lalaking nakilala ko noon. yung lalaking kausap ko sa telepono ng apat na oras, kahit siya lang ang nagsasalita at tahimik lang ako. yung lalaking nagiisip pa ng joke para lang marining niya akong tumawa. yung lalaking nagpapaalam pa kapag lalabas kasama ng mga kaibigan niya. yung lalaking hindi sasama sa lakad na yun kung hindi ako papayag.

Sa April 18, sampung taon na tayong kasal. Sa August 4, 14 years na tayong magkasama as one. matagal na tayo. hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa kakayanin na maging kasama mo.

isa lang ang sigurado ako, i am trying. HARD. I hope you know that.

hindi ko na hiling ang pera, hindi ko na hiling na makasama ka sa iisang bubong. hinihiling ko na lang, ibalik mo sa kin yung dapat na akin. kasi hindi akin yung bagong ikaw. hindi siya ang minahal ko. kung san mo man siya tinago, please lang pakibalik mo na siya sa kin. dahil naging malungkot ang buhay ko nung nawala siya.



kung meron mang mga lalakeng magbabasa nito, isa itong message in disguise. please don't take ur women for granted. wag kayong magbago. wag niyong baguhin porket kasal na kayo.

wag kayong mambabae at iisipin na kasalanan namin kasi hindi na kami sexy. eh, puta, kayo ba sa tingin niyo sexy pa? please lang. pinagtyatyagaan na lang din namin kayo.

tsaka wag niyong ipagpalit ang asawa niyo sa kotse. what's with men and cars? Fuck that. sa sobrang pagmamahal ninyo sa kotse niyo, pag kayo nagaway ng misis niyo, masasabi na lang niya na sana mabangga ka.

at kung pwede, kapag hinihiwalayan kayo ng asawa niyo, wag na kayong mambintang. wag ng isipin na hindi kayo pwedeng hiwalayan just because we fell out of love. wag ng isipin na siguradong may third party. in other words, wag niyo kaming igaya sa inyo. ang mga babae, made of a thicker shell.

you know what you should do? you should not waste your time thinking negative things and hurling accusations at us... waste your time changing for the better and making us see that you are worth keeping. tigilan ang pagdududa. puro kayo duda pero kayo naman ang nambababae.

and please, NEVER look at another woman lalo na kung kasama ninyo misis nyo. your sideway glance na kunwari may tinitingnan kayong iba does not work. malakas ang radar namin.

and don't give us that "sa amin walang mawawala" crap. puta, that's too old school. sa inyo pa lang nawala na, naibigay na namin. sa inyo ang may nawawala na dapat ay sa amin napupunta, nilalabas niyo kasi sa iba.

at higit sa lahat, wag na wag ninyong pagbuhatan ng kamay ang misis nyo. kahit humupa ang pasa, kahit maghilom ang sugat... hindi maaalis ang sakit.

No comments:

Post a Comment