Saturday, April 02, 2005

of Turtles and being a chimney.

nawawala na ata ako sa sarili. simula ng napamahal sa akin ang alaga kong pagong na si Pong, nahilig ako sa kahit ano mang bagay na may disenyong pagong.

san man ako magpunta, hanap ako ng hanap... Pong, come out, come out wherever you are... parang kantang ayaw matanggal sa utak ko... LSS (last song syndrome) kung tawagin.

merong mga araw na napipikon na ako... magtatanong ako sa mga saleslady:

"meron ba kayong t-shirt na may turtle print? kahit ano'ng may turtle design."

may aksent na di ko alam kung ano. "ay.. ah.. eh.. wala po ata. meron po dati kasi nakita ko sa children's, pero di po ata turtel ang tawag dun, ano po ata... ah... turtoys? ayun, turtoys po."

minsan gusto kong yugyugin ang mga taong nasasalubong ko:

"wala na bang taong nagmamahal sa mga pagong? hindi niyo ba naaalala ang saya na binigay sa atin ni Pong sa Batibot? Buti pa si Kiko Matsing!"

wala. kahit saan ako magpunta sa Makati... puro tidi ber. puro eyndyel. puro Korean telenovelas ang nakikita ko...

meron na kasi akong mga bagay na may turtle designs sa bahay:

a bracelet that my sister-in-law gave me.
a small pillow.
a cute turtle made out of puca shells.
an action figure of the turtoise in Finding Nemo which my kids have pala.

Good Lowrd! Please help me.. kahit ano lang... para maibsan ang craving ko...

and yesterday at last, some light at the end of the hallway:

a cd case (found it in Landmark).
a celfone chain.
a necklace (i just love it).
a letter opener.

the other three I found at a stall in uppermost floor of Glorietta where they sell locally made things... they also have cascading earrings made out of shells... so pretty! but they weren't turtlish.

i hate myself. this is an addiction. and i hate being addicted to something.

pero, i accept all kinds of turtlish things as donations to my growing (yawn!) collection! har-har.



galing ako sa doctor kanina... and I was proud to tell her that I have quit smoking just recently. hehe. op cors, i was never addicted naman talaga to it... i was just smoking lalo na pag stressed.

since marami akong nararamdaman lately na, tinigil ko na. minsan nagnanakaw ng isang stick kay Mai, pero minsan lang...

Kapag may nakakasama si Mai sa breaks, di na ko sumasama sa kanila, para iwas na rin ako. And I can say na, it made me feel better.

Now, if I can just persuade Mai... hehehe.

Anyway, she told me that she cannot prescribe me something for the cysts coz it will make me toxic again... whatever that means.

but, it's nothing to worry about.

Thank goodness.

No comments:

Post a Comment