Monday, April 11, 2005

salamat Mai... dahil sayo meron akong naisip i-post

kanina, pumasok kami ng CR ni Mai... syempre pa, may kakaibang amoy... ang baho... sasabihin ko na sana na amoy kulob na basahan...

si Mai, biglang sinabi na amoy ipis daw.

mga kaibigan, hindi po ako makapaniwala na alam niya ang amoy ng ipis. pano po niya ito nagawa? Nanghuli po ba siya ng ipis, at nilapit ito sa ilong niya? Talaga po bang may amoy ang ipis?

Kung meron man, ano? pano?

buti na lang di kayo pwedeng maglagay ng komento sa blog kong ito, kasi kapag sumang-ayon kayong ang CR namin ay malamang ngang nag-amoy ipis, baka hindi ko kayo tantanan kapag nakita ko kayo.

Ano? Pano?



Mai, hindi ka bobo... at hindi ito sumagi sa isipan ko... hindi kita pinapalabas na mukhang engot.... marami ka lang karanasan na hindi ko nagawa. I envy you. Sana ako rin, alam ko ang amoy ng ipis.

No comments:

Post a Comment