Thursday, May 26, 2005

i hate being human.

i agree with you. it is hateful to be human. kanina ko to naramdaman. kanina sa opisina, nag-text ang Kuya ko sa kin. Dadalhin na raw niya si Arolf sa doktor. Mataas na raw masyado ang lagnat. Sa mga hindi pa nakakaalam, si Arolf ay merong seizure disorder. Isang beses pa lang naman yun nangyari sa kanya at ayoko ng maulit pa. Kaya hindi siya pwedeng lagnatin ng mataas. it might trigger a seizure.

buti na lamang, nasa bahay ang kuya ko. hindi na rin niya ako pinag-absent.

pagdating ko ng bahay, nakatakip na naman si Arolf ng unan sa kwarto ng Kuya ko. umuulan kasi. takot kasi siya sa ulan at kidlat.

pag-akyat ko, si Anton, may lagnat din.

nanlumo na ako bigla. nung binigay sa akin yung reseta, gusto ko ng umiyak. ubos na yung pera ko, ubos na yung ipon ko... ano pang gagawin ko?

tapos nagtext sya, nasa NuevaEcija daw. Tinanong ko si Anton kung anong ginagawa nun dun. Nagfi-fishing daw. Astig.

Eto mga anak ko, umaapoy sa lagnat... ako, nagta-trabaho... ngayon, hindi ko alam kung san ako kukuha ng pambili ng gamot... tapos asan siya? nagfi-fishing.

putangina.

marami pang kwento tungkol dito kasi nagtext-text pa kami eh... pero wag na. baka maasar ka lang.

pero, mabait pa rin ang kosmos.... kasi, may credit card nga pala ako... syempre pa, swipe to the max na naman ako... hehehe...

kaya, eto... napainom ko na ng gamot yung mga bata habang tumutugtog ang kantang ito sa aming transistor... okay, okay! component! naisip ko bigla, eto ba yun? nung tumugtog ang chorus, nasigurado kong yun nga.

ninamnam ko yung kanta... punyeta. naisip ko tuloy yung dreaded phone call that ended it all.... naalala ko yung iyakan, naalala ko yung mga 'sorry.' naiyak na naman ako, syempre. naisip ko na naman yung mga what might have beens... naisip ko na naman kung anong naging kulang, kung ano yung sumobra... naisip ko na naman siya.

sa gitna ng pagdaramdam ko, nagiba ang tugtog... isang ngiti ang pilit na sumilip sa aking mga labi... hanggat hindi ko kinaya, natawa na lang ako.

hanep.

No comments:

Post a Comment