Thursday, May 26, 2005

isa lang ang magiging rason ko.

matagal na akong nagiisip kung aalis na ko dito... hindi ko naman kasi inakala na tatagal ako eh... ang plano lang, hanggat matapos ko yung kursong kinukuha ko... tapos, kukuha na ako ng dalawang taon na kasanayan sa pagtuturo, tapos lilipad na ko papuntang Tate.

kaso lang, ewan ko ba... maraming nangyari... nagsanga-sanga.... hindi ko na nagawang umalis pa...

ngayon, isa lang ang dahilan ko... kelangan ko tong trabahong ito... kasi hindi mapapantayan ng mga skwelahan ang sweldo ko rito... pati na rin ang benipisyong medikal na para sa mga anak ko.

pero sa paglipas ng mga araw, merong gumugulo sa utak ko, at sa damdamin ko... at hindi ko to nagugustuhan... naiisip ko na tuloy umalis na lamang... para sa ikatatahimik ng buong pagkatao ko.

hindi ko sana nanaisin na lumisan kundi lamang ito mali. hindi ko sana maiisip na umalis kundi lamang masakit na. hinahanap-hanap ko na. naiisip ko na sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

kaya simula ngayon, isa lang ang magiging rason ko sa pagplano kong umalis. at hindi ito dahil sa mga naiisip mo. kaya pagkatapos kong isulat ito, bubuksan ko ito, para makahanap ng bagong buhay, bagong simula... malayo sa batong alam kong maiiwan sa dibdib ko.

sana lang, madurog siya hanggat maging buhangin... pero hindi sana mawala sa ala-ala ko.

wala lang.

No comments:

Post a Comment