Sunday, May 15, 2005

mga ginawa

linggo ngayon.
napaka-init sa Pilipinas.
kahit sampung beses akong maligo hindi maalis ang lagkit ng pakiramdam.
kaya nagtsaga na lang ako sa dalawang beses.
eto't nagkakamot ako ng mukha sa kati at lagkit.
labinlimang minutos pa lamang ang lumilipas pagtapos ng aking pangalawang ligo.

pumunta dito si Kuya, Liza at Bea.
pumunta kami sa SM para maghanap at bumili ng mga gamit na ipadadala namin sa mga magulang namin na nasa Amerika.
sumakit na ang paa ko, hindi pa rin kami nakakahanap ng longsleeved shirt para kay Mama na ipangloloob daw niya.
kailangan cotton.
kailangan plain.
naisip ko na sa men's na lang, yung parang camisa de chino (kung tama man na yun ang tawag dun).
nakabili na rin ako ng iba pang kailangan nila gaya ng socks, Pond's whitening vitamin cream, moisturizing cream, betnovate at kung anu-ano pang ka-cherba-han.
Spring po ngayon sa NY.
Sabi ng tatay ko, nagbabakbak na daw ang mukha niya (kaya kelangan niya ng betnovate), at yung buhok niya ay mabibilang na lamang daw.
what more pag winter?

kumain kami ng halo-halo sa Chowking.
si Bea bigla na lamang naghihiyaw na parang belyas.
Hala.
Pagkakita namin, meron itong nilalanding kulot na batang nakasakay sa stroller.
dyaskeng bata.

pasado alas syete na ng gabi.
inaantok na ko.

ba-bye.

No comments:

Post a Comment