Sunday, May 01, 2005

the ordeal.

pagod... hapong-hapo... ginawa ko kasi ang blog nitong babaitang ito. hindi naman sa nagrereklamo... kasi nung natapos ako, natuwa ako sa sarili ko... tsaka mahal ko siya, kaya kahit anong ikakasaya niya, gagawin ko... wag lang kumanta ng 'My Way' sa opisina, ah.

ang siste, si pogee, maraming kaartehan sa katawan... well... dapat lang kasi blog niya yun, at dapat lang na ayon sa gusto niya ang hitsura nito... kaso lang, hindi kami jive ng gusto eh... she finds something wrong with one template to another... wish ko lang, ok na to... kung meron mang babaguhin, sana hindi ko kailanganin ang himala...

kasi po naman ay pinaghirapan ko rin naman ito... 3 oras! o di ba? samantalang kapag ang template ko ang iniiba ko, matagal na ang isang oras... 45 minutes nga lang eh. ang nakapagtataka, napaka-simple ng template ng blog niya... samantalang ako ay napakaraming abubot...

ang gusto kasi niya ay minimalistic, simple, natural, zen, yin yang... gaya niya. mas mahirap pala pag simple. ewan.

sana lang, nakuha ko ang gusto niya, dahil kung hindi....


IIYAK AKO!!!!

=======================================

inuubo ako ngayon... PoNg is on sick mode.

No comments:

Post a Comment