Sunday, May 29, 2005

yosi o gunting?

naiintindihan na kita. and i failed the person that made me live a new smokeless life.

hindi ko na kaya ang buhay. masyadong mapanukso. masyadong unfair.

kahapon, nasa loob ako ng aparador ko, naririnig ko ang boses ng isang hayop na kumakatok sa pintuan ko. hindi ko ito ininda. hawak ko ang gunting sa aking kanang kamay at nakatutok ang talim nito sa aking kaliwang braso. isang hila ko lang sigurado ako, maraming dugo ang sisirit at lalabas. isang oras lang malamang, hindi na ko hihinga.

nabitawan ko yung gunting, basang basa na ng luha at pawis ang mukha ko... tiningnan ko ang aking mga kamay. hindi ko na malaman kung ano pa ang iisipin para magbago ang isip ko.

hangga't makita ko ang mga palad ko. nakita ko ang nunal sa aking palad. nakita ko ang mga nunal pang nakakalat sa aking mga kamay. at inisip ko na maraming tao pa ang nagmamahal sa kin. bakit ko to gagawin?

masakit isipin na wala akong kwenta. masakit isipin na hindi ako kawalan sa mundo. pero yun ang totoo.

tumigil ang mga katok at sigaw. tumahimik ang lahat.

pinulot ko ang gunting at muling tinangkang tapusin ang lahat. dumaloy ang dugo pero wala akong naramdamang sakit mula sa kamay ko.... ang sakit na nararamdaman ko ay nasa puso at utak ko.

hangga't napatingin ako sa kanto ng pinagtataguan kong aparador.

gusto kong sumigaw. gusto kong tanungin ang Diyos kung nagpapatawa ba siya o nanga-asar.

isang stick ng yosi.

pinulot ko. sa kanang kamay, gunting. sa kaliwa, yosi.

nalagyan na ng dugo ko ang yosi, pero hindi ko na ito ininda. gusto kong tumawa ng malakas, pero hindi naman ako baliw. gusto kong magmura pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

magaling ka talaga, Lord. ang galing mong magbigay ng solusyon sa lahat ng problema. binigyan mo ko ng palaisipan.

"anong mas gusto mo, yosi o gunting?"

tumayo ako, aktong lalabas ng pinto para pumunta ng kusina at magsindi. wala akong pakialam na may dugong dumadaloy sa aking kamay. bago ako makarating sa pinto, nakita ko ang altar sa kwarto.

nanginig ako. naiyak na naman. parang nabuhusan ng malamig na tubig.

hindi dahil nakita ko ang mukha ng Diyos, o ng Ina niya, o ng Krus.

kasi, nakita ko sa mesang pinaglalagyan nila, ang lighter na tinapon ko na nung isang araw. nung nagbitaw ako ng salitang hindi na ko magyo-yosi, tinapon ko nang lahat ng yosi at lighter sa bahay. lalong lalo na ang berdeng lighter na yun. unang-una ko yung tinapon.

pero, nandun siya sa harap ko ngayon. sa tapat ng mga debuho ng Panginoon.

nabitawan ko ang gunting at naluhod. kinuha ang lighter at nagsindi. ninamnam ang siguro ay kahuli-hulihang stick ng yosi na aking matitikman. pero hindi na ko nangangako ngayon. alam ko, habang merong gunting sa kwartong ito, sigurado ako, biglang may lalabas na yosi para magising ako.

pagkatapos kong ubusin ang stick, pinatay ko ang apoy at nilagay ang natitirang stick sa isang lalagyan. importante siya sa kin. at itatago ko siya. isang ala-ala ng aking kahinaan, at ng aking pagkagising sa isang kalokohan.

Patawad po.

No comments:

Post a Comment