Saturday, June 25, 2005

hay.

naka Surf Control na ang blogger sa opisina... pano pa ako makakapag-blog, naisip ko.... marami pa naman sana akong gustong isulat at maalala pagdating ng araw... tapos bigla kong naisip ang account ko sa Xanga... there's still hope for blogging... hehe... kasi hindi pa siya nabblock ng IT...

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

alam ko, paulit-ulit na ang issue tungkol sa akin at sa asawa ko... alam ko, matigas ang ulo ko... alam ko, for the nth time na naman to...

pero sa totoo lang, ayoko na talaga... sawa na ko... pagod na ko... hindi ko na rin alam kung ano pa ang tama at mali...

hirap na ko sa pagpapalaki ng mga anak ko ng walang katuwang... sana kung talagang wala... e parang kabute ito... minsan andyan, kadalasan wala...

hindi na nga ako humihiling ng para sa akin... hindi ko na ginusto na magpa-cute pa siya sa kin.. mas importante sa akin yung pangangailangan ng mga anak niya, nabibigay niya... materyal man o panahon.

pero wala. at hindi niya ito inaamin. siguro, hindi niya matanggap sa sarili niya na failure siya.. na wala siyang kwenta sa amin.. na kinakaya naming mabuhay ng wala siya..

ayoko na.. sana tantanan na niya ko.. dahil nasisira na ang ulo ko ng pagpapaintindi sa kanya na ayoko na.. what more should i tell you before you give up?? sana maintindihan niya na hindi ko na siya mahal.. na bawat yakap at halik na binibigay niya sa kin, tanging inis lamang ang nararamdaman ko..

wala ng kilig.. wala ng init.. wala na.

at ayoko ng ibalik pa.. dahil sobra na..

it's a sick cycle carousel.

No comments:

Post a Comment