Tuesday, June 28, 2005

Hola.

walang magawa sa office... nothing but eat, work, eat, work, chat a little, go to the restroom, eat, drink, and eat some more.

since wala ng internet access... di kami makapag-send ng personal emails... wala ring access sa Gmail... or Friendster... and worse, Blogger.

at sa pagmumuni-muni ko... napagdesisyunan ko na mag-aral ng español. hahaha. sa totoo lang, simula pa nung nalaman kong merong ibang lenguahe sa mundo, naisip ko na balang araw, gusto kong matutunan ang isa sa mga ito... kahit nga yung Bisaya gusto kong matutunan eh.

nagkatotoo naman... natuto akong mag-ingles kahit pano... pero hindi pa rin natanggal sa isipan ko ang Spanish. ang mga ninuno ng nanay ko ay may lahing mga Spanish. parang asong may breed... mixed breed ang mga magulang niya. ang nanay ko ay kalahating Spanish ata, kaya siguro maganda ang tindig nito (walang-wala ako), at mistisa lalo na sa personal.

lalo na ngayon, maganda na rin ang marunong ka nito, kasi sa mga call center, may premium kapag marunong ka... dito sa amin, additional 10T ka. tsaka sa mga ikinukwento ng mga magulang ko, mas okay nga na habang kaya ko pa, mag-aral na ako nito... sa Amerika pala, must na marunong ka nito para mas madali kang makahanap ng trabaho.

nagtanong ako sa Instituto Cervantes... syempre, gusto mo rin lang mag-aral, dun ka na sa magandang eskuwelahan. nadadaanan ko yun sa may tapat ng St. Scho nung nasa kolehiyo pa lang ako papasok ng Letran. Intrigued pa rin ako hanggang ngayon sa kanya. Since matanda na ko, pwede na akong magdesisyon para sa sarili ko na mag-isa, nabuhay ang naisin kong matuto ng español.

maganda naman... kaya ko naman siguro ang tuition... twice a week lang for 2.5 hours per session for a month sa Beginners... para siyang tunay na eskwelahan... may exams... pwede kang bumagsak... at pag nangyari yun, sayang ang tuition mo. kapag pumasa naman, pwede ka na sa susunod na level... which i'm guessing are fourteen levels (OMG can i do this?). Hindi ko naman ninanais na matutunan ito ng husto... kahit man lang conversational Spanish sana eh matuto ako... para kung sakaling minumura na pala ako ng cab driver pagdating ko sa JFK airport, mamumura ko rin siya.... nyehehehe. wishing.

July 21 ang simula ng klase... kung walang aberya, i will be on my way to learning a new language and more. Sana matuloy at walang mangyaring di kanais-nais, tulad ng maubusan ng perang pang-tuition. hay... malalagpasan ko na rin ang walang katapusang "Que ora es?" hehehe. Yun lang ang alam ko eh, ni hindi ko pa alam kung tama. Dinaig pa ako ni Dale na alam ang mga kulay, 1-100 in spanish. well, that was a year ago. ewan ko lang ngayon... hm...

nyikngikngikngik.

No comments:

Post a Comment