Wednesday, July 20, 2005

Asperger's Syndrome

Yan ang diagnosis ngayon kay Dale... Nung una siyang in-assess ni Dra. Alexis Reyes, ang diagnosis ay Autism Spectrum Disorder... meaning hindi pa sigurado kung anong klase o nasaang kategorya si Dale... mahirap din kasing mag-diagnose agad kasi bata pa....

Kanina, masayang masaya ako kasi una sa lahat, sumama si Ronald sa assessment... Naghalf-day ito sa pagiging store manager ng Jollibee sa may BF ParaƱaque... AT! siya ang nagbayad ng 1500 pesos na assessment fee. bwahahahaha.

Pangalawa, dahil konti lamang ang mali ni Dale sa mga tanong ng doktor... kulang pa lang siya sa comprehension, pero ang intellect at reading abilities ay pang-Grade 1 na...

At napatunayan na nga na si Dale ay nasa kategoryang Asperger's Syndrome... parang high-functioning autism.... na kapag naalagaan... naalalayan... ay pwedeng magawan ng paraan...

ang 'sakit' na ito ay panghabang-buhay... 'labeled' na ang anak ko na may ganitong 'sakit'. hindi ko man ito gustuhin, andito na. ang tangi na lamang naming magagawa ay sundin ang mga mas nakakaalam para 'gumaling' siya... para kahit paano ay mabuhay siya ng normal...

nung sinabi na sa amin ang kelangang gawin... hay... pagkatapos kong mabunutan ng maraming tinik, isang malaking kutsilyo na naman ang tumarak sa dibdib ko...

sabi ng doktor, pwede na siyang ilagay sa isang regular school as a 'mainstreamed' student. hay.... salamat po....

kaso lang, gusto niya, ngayon na. hindi next school year. as in, NOW NA.

unang problema: saan?

alam naman natin na ang eskwela ay nagsimula noon hunyo pa.

pangalawang problema: saang kamay ng Diyos ako kukuha ng perang pang-tuition?

sabi ng doktor, kelangan daw siyang i-therapy... behavior management... nag-refer siya ng center sa may ParaƱaque... ang gusto niya once a week.

tinawagan ko ang center...

pangatlong problema: meron pa palang assessment ulit doon for 3 consecutive days, sa halagang tumataginting na 2500 pesos. Dun din sasabihin ng therapist kung pwede nga ba ang once a week lang o kelangang mas marami pa (mga mukhang pera!!!).

pang-apat na problema: ang therapy mismo ay 450 pesos per session.

taena, di ba?

sa lahat ng bagay, kakambal ang pera.

pera, pera, pera!

gustuhin ko mang tulungan ang anak ko, pano ko naman gagawin yun? Ito pa lang pangaraw-araw naming gastusin sa bahay, hindi ko na mapagkasya ang sinusweldo ko, eto pa?

iniisip ko, bakit sa amin pa binigay to, bakit si Dale pa, eh hindi naman kami mayaman para matustusan ang mga pangangailangan niya? Minsan, maiisip mo tuloy, is God really merciful? Is He playing fair?

Pero naiisip ko rin naman lagi, ano na lang ang nararamdaman ng mga pamilyang mas mahirap pa sa amin na may anak ding tulad ni Dale? Pano kung mas malalang kundisyon pa ang ibinigay sa amin ng Diyos?

Pero, pinalaki ako ng mga magulang ko not to dwell on irrelevant things and to always give thanks to everything that comes our way.... Kaya, eto, alam kong pagkatapos kong mamighati ng sandali... hihinga ulit ako.

hay... ba-bye na... tumutulo na ang luha ko. bukas na ako hihinga, promise.


Asperger's Disorder is the term for a specific type of pervasive developmental disorder which is characterized by problems in development of social skills and behavior. In the past, many children with Asperger's Disorder were diagnosed as having autism, another of the pervasive developmental disorders, or other disorders. While autism and Asperger's have certain similarities, there are also important differences. For this reason, children suspected of having these conditions require careful evaluation.

In general, a child with Asperger's Disorder functions at a higher level than the typical child with autism. For example, many children with Asperger's Disorder have normal intelligence. While most children with autism fail to develop language or have language delays, children with Asperger's Disorder are usually using words by the age of two, although their speech patterns may be somewhat odd.

Most children with Asperger's Disorder have difficulty interacting with their peers. They tend to be loners and may display eccentric behaviors. A child with Asperger's, for example, may spend hours each day preoccupied with counting cars passing on the street or watching only the weather channel on television. Coordination difficulties are also common with this disorder. These children often have special educational needs.

Although the cause of Asperger's Disorder is not yet known, current research suggests that a tendency toward the condition may run in families. Children with Asperger's Disorder are also at risk for other psychiatric problems including depression, attention deficit disorder, schizophrenia, and obsessive-compulsive disorder.

Child and adolescent psychiatrists have the training and expertise to evaluate pervasive developmental disorders like autism and Asperger's Disorder. They can also work with families to design appropriate and effective treatment programs. Currently, the most effective treatment involves a combination of psychotherapy, special education, behavior modification, and support for families. Some children with Asperger's Disorder will also benefit from medication.

The outcome for children with Asperger's Disorder is generally more promising than for those with autism. Due to their higher level of intellectual functioning, many of these children successfully finish high school and attend college. Although problems with social interaction and awareness persist, they can also develop lasting relationships with family and friends.

No comments:

Post a Comment