Saturday, July 23, 2005

Chef D'Angelo and indigestion

Nung isang araw, nagulat kami ng tinanong kami ni Anne kung nagmamadali kaming umalis...
magpapakain daw kasi siya dahil nagdaan ang kanyang birthday.

Matagal na naming gustong kumain sa Chef D'Angelo, ngunit, datapwat,
subalit laging maraming tao... kaya ngayon, nung nakita naming walang
masyadong tao pa, doon na kami kumain... ang inorder ko ay chicken pesto,
at si Mai, fettucini, si Anne yung sampler na may pizza, chicken at salad...
ng dumating ang food ni Mai, muntik na akong mapamura... hindi naming alam
na marami pala ang servings nila doon... hindi naman kasi ako maraming
kumain ng pasta kasi nabubusog ako agad... ang kaso, nakakahiya naman
kay Anne kung hindi namin uubusin...

at hindi naman niya sinabing marami pala ang servings dun!
sabi niya kasi baka daw isipin namin tinitipid niya kami...
kaya umuwi akong maluha-luha sa busog. nagdarasal sa jeep na
sana ay hindi ako atakihin ng ubo, kasi siguradong isusuka ko ang pesto.

pagdating sa bahay, jumebs na ko, naligo na ko, hindi pa rin
natanggal ang masamang pakiramdam ko... ayoko namang isuka ang
kinain ko kasi sayang, medyo mahal, at masarap ang pesto...
kaya nakatulog ako mga 2:30 na ng umaga.

Pero weniwei, masarap ang pagkain, kaya pala laging puno ang restawran na ito.
Ito ang mga litrato namin sa naturang paglamon.








at eto, ang hitsura ng mga engot na busog...
yung legs ko nga pala, hindi ko inunat ng tuluyan,
kasi kung ganun ang gagawin ko, hindi kami pantay-pantay...
iba na talaga kapag matangkad. hehe.

No comments:

Post a Comment