Tuesday, July 19, 2005

heeeeeka!

isang araw na nakakatamad... may sakit kasi ako... ubo at sipon... ang hirap huminga... ang tanging karamay ko ngayon ay kape.... opo. Kape. sabi nga ng mga eksperto, ang kape ay gamot sa hika... at yun ang meron ako ngayon... heeeee.... kah!

nakakabanas... at pagdating ko pa dito sa opisina... wala ang aming superbisora... punyeta. ako kasi ang kanyang assistant... at pag wala siya, ako ang in-charge... leche. hindi naman sa mahirap ang ginagawa... yun nga lang, mahirap ngayon kasi may sakit ako... at gawaan ng DTRs (Daily Time Record) ngayon... kaya kanina, maloka-loka na naman ako sa kakahanap ng mga papel na kailangan... papirma ng mga forms sa ibang supervisor... punyeta. ang sakit na ng lalamunan ko...

bukas, pupunta kami ni Dale sa doktor... nag-text na nga sa akin yung sekretarya ng doktor at pinapaalalahanan niya kami... hindi ko alam kung ang ama niya ay makakasama... siguro naman... bahala sya kung hindi siya sasama...

si Anea naman, ok na... sabi nga niya, ok daw pala pag galing sa hospital, hindi siya pinapila ng kanyang guro sa arawan... hehe. yun nga lang, patay daw siya sa exam kasi ang dami niyang hindi napag-aralan. sabi ko naman, di bale na... bawi na lang siya sa susunod. Yun nga lang, minsan namumutla pa rin siya lalo na kapag napapagod.

si Anton naman... nakow! kagabi, umalis sila ng lola niya... pagdating sa bahay ang unang sinabi, "tapos na ba yung Anghel?" at nung sinabi naming tapos na nga ang kanyang paboritong teleserye, umiyak ito... at hindi lang basta iyak-iyakan... iyak na may hikbi, may luha, may hagulgol... nagulat kaming lahat at nataranta... sabi na lang namin, mapapanood pa naman niya yun kinabukasan... ikukuwento na lang namin kung ano'ng nangyari...

hanep... ang anak ko... adik sa teleserye.

No comments:

Post a Comment