Sunday, July 24, 2005

The Island

kahapon ng pauwi na ako... naisip kong dumaan ng Glorietta para maghanap ng libro tungkol sa Asperger's Syndrome.... wala akong nakita sa National, pero similar books (ADHD/Autism/Dyslexia) there are worth 800 - 2000 bucks, so i think kahit na meron akong makita hindi ko siya mabibili...

isa lang ang solusyon na nakikita ko dyan, ang magpabili kay Scarface sa Amerika. hahaha.

at habang naglalakad ako sa may sinehan, nakita ko ang The Island na showing na pala... naalala ko na nung pinakita yun, naintriga ako sa mangyayari kaya gusto ko siyang panoorin... ang problema ko, wala ako sa mood manood mag-isa. kaya tinext ko si Ronald at nilibre ko siya ng sine (nilibre naman niya ako ng bulalo after)...

predictable siya para sa akin... kasi wala pang kalahati ng pelikula (nung pumunta siya sa chamber na may contamination para makausap ang kaibigan niya) nahulaan ko na... syempre spoiler ako, sinabi ko na kay Ronald na ganun ang mangyayari... hehehe.

maganda ang action scenes... pero sobrang kaduda-duda na hindi sila namatay sa mga eksenang yun, lalo na nung bumagsak sila galing sa mataas na building.

Ang tanong... paano kung dumating ang panahon na maging ganoon ang sibilisasyon? To resort to cloning to save or lengthen lives. To kill clones just to give your dying self their organs. To treat clones like spare car parts.

Hindi ako magiging plastik... for Science to think of ways to save lives is a good thing. I'm saying this coz I have children. The thought of losing them is unbearable.

Pero ang cloning? As in human cloning? My God. Sana kung ang ik-clone lang is yung liver mo, or yung lungs mo... as in partly cloning... pero hindi buong tao tulad ng nasa pelikula... na papatayin ang clone mo na isa na ring tao...

Tampering with what God has created? We are not God. There is only one supreme being that can make and take a life, that's what I believe.

Weniwei, it was a nice movie lalo na if you're bored out of your mind like me.

No comments:

Post a Comment