Wednesday, July 20, 2005

postponed

hay.... my best-laid plans.... ruined.

hehe... napagpasyahan kong hindi muna ituloy ang paga-aral ng español.... bakit ika nyo? eh pano, may sakit nga ako... kapag ako pa naman ay inubo at sinipon... nakow! mahina ang dalawang linggo.... at kapag ako ay inaatake ng ubo... suka ang katapat nito (papayat na ako)...

imaginin niyo na lang ako sa klase sa Cervantes... mga labinlimang estudyante nakikinig at nagdarasal ng taimtim na sana ay matuto kaming mag-español... at ako'y biglang aatakihin ng ubo....at ang kubeta ay nasa kabilang dulo pa ng corridor.... dyahe, di ba?

buti na lang hindi pa ako nage-enrol...

kaya eto, nagta-tsaga muna ako sa online courses at sa isang maliit na librong nabili ko... ngayon pa lang nahihirapan na ako... hindi ata madaling mag-aral ng ibang lenguahe lalo na at hindi mo ito ma-practice....

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

mamaya nga palang ala-una ang pagpunta namin sa Developmental Pediatrician ni Dale. Kung anuman ang sabihin niya sa amin... tatanggapin ko ng maluwag... alam ko naman na hindi pababayaan ni Lord ang anak ko... at kahit hindi maganda ang sabihin niya ngayon... sigurado ako sa susunod, ok na.

No comments:

Post a Comment