Saturday, July 02, 2005

young love?

nagising ako ngayong umaga at ang una kong naisip ay...

pakshet. bakit nakasalamin pa ako?

hehe. pagkakain ko ng hapunan, humiga muna ako at nagkwentuhan ng anak kong si Anea... nagpaturo siya ng assignments... yun nga lang, di na pala ako nakatayo pa... nakatulog ako.

bago naman ako nakatulog, may kinuwento sa akin si Anea. meron ng manliligaw ang anak ko! siyam na taong gulang. Grade 4 ng San Isidro Catholic School. Yves daw ang pangalan ng lalaki. Ipis para sa kanya.

Lekat na buhay to. Ako nga Grade 6 nagkaron ng manliligaw eh. hahaha.

Sabi niya hindi naman daw niya pinapansin. Asar na asar daw siya. Binigyan pa nga raw siya ng bulaklak, pero hindi niya raw tinanggap.

Hindi ko nakuhang magalit o maalarma. Sa totoo lang natuwa pa nga ako eh. Isang patunay lang na maganda talaga ang anak ko. Pinagmamasdan ko nga siya kagabi at tama nga. Cute nga si Anea. Yun nga lang, hindi maayos sa katawan at mataba.

at suplada.

Sabi ko nga sa kanya sa susunod na bigyan siya ng bulaklak, tanggapin na lang niya at maayos na sabihing bata pa sila at hindi pa tama ang ganoon.

haha. halatang apektado ang anak ko. kasi hindi niya sa akin masabi ng diretso ang gusto niyang ipahayag. kinailangan pa niyang isulat sa papel. tawa kasi siya ng tawa.

hay.... young love. sana huwag mauwi sa young disaster.

weniwei, mamaya na lang ulit ang karugtong nito. papasok na ako sa opisina.

No comments:

Post a Comment