Thursday, August 18, 2005

from being sick to feeling high

absent ako kanina sa office... masama kasi pakiramdam ko gabi pa lang, nilalagnat ako... nagising ako ng ala una ng umaga... tumawag na lang ako sa opisina na hindi na ako papasok para kung hindi man ako magising ng 2 hours before ng shift ko, hindi ako mama-markahan ng NCNS (no call no show)... nung tanghali, naisip kong pumasok... pero hindi ko kinaya kasi dinalaw na ako ng antok...

meron naman akong nagawa kahit na masama ang pakiramdam ko... maganda naman ang kinalabasan... sa susunod na buwan ang bagong simula ng yugto ng buhay ko... sana matupad... yun nga lang, sa pagdating ng bagong pag-asa sa pagasenso at pag-angat, kailangang magsakripisyo ng oras at pagod...

nagiging busy-busyhan na ang blog na ito... ang cute ng mga gifs sa gilid no? hehehe... i couldn't resist putting them here... they're so cute... ang totoo niyan, napakarami pang naka-save sa PC ko, pero hindi ko pa sila naho-host... at baka sa sobrang dami ay lalong bumagal ang blog na ito... magrereklamo na naman si Mai at si Scarface.

since wala ng atang unkymoods maraming blogs ang ngayon ay nalulungkot... pero nakakita ako ng way para mai-save ang ilang images/moods sa aking PC, ang voila! every post, pwede ko na lang lagyan ng unkymood... nyehehehe....

weniwei... nonsense na naman to... bukas na lang ulit... nagagalit na si Dale kasi gusto niyang gamitin ang PC...

No comments:

Post a Comment