Thursday, August 18, 2005

masarap magmura

Anea kanina naga-aral si Anea at nagpaturo sa akin ng metric conversion, hindi niya kasi ito natutunan dahil nasa ospital siya nung tinuro ito... Since matanda na ko, hindi ko na maalala lahat yun... kinailangan kong hanapin ito sa Gugel... nako-convert ko naman, ang kaso, mali daw... kasi may tamang solusyon o proseso ng pagsagot... kahit na tama ang end result, kung mali ang solusyon, hindi daw siya tama lahat.

@#$%^&*!!!!! Pesteng mga titser yan... ano naman kasi ang kaso kung iba ang proseso mo ng pag come up ng sagot (alam ko ang sagot sa tanong ko, napag-aralan namin yun sa pi-en-yu, pero hindi ko rin yun matanggap)? Kung ako ang titser, kahit pano mo pa ginawa yun... kung kinailangan mong magdasal sa lahat ng santo... kung kinailangan mong mag-tumbling habang nagbibilang... kung kinailangan mong gamitin pati daliri mo sa paa... kahit anong mambo jumbo gawin mo sa skrats peyper mo, wala akong paki... basta ang sagot mo sa huli na nakabilog ay korek...

ang sarap pagsasampalin ng mga gurong ganito... at mind you, maraming crackpot na titser na nakakalat... nung isang linggo lang, gumawa kami ng proyekto niya sa Math... eh mabagal mag-tayp, 10 word problems for each operation (addition, subtraction, multiplication at division) pa naman, so marami ito... kaya ako na lang... nung matatapos na ako, biglang sabi ni Anea, mali daw... habang nakataas ang kilay kong nagiisip ng @#$%^&, wag mong sabihing uulitin ko to, sabi niya dapat daw one word problem per page... one tayms ten tayms por.... kalkyuleyt.... kuarenta!!!! 40 pages plus yung mga definition of terms pa at mga title pages... 46!

@#$%^&!!!, di ba?

di ko magets kung bakit ganun... sino bang gusto nilang pahirapan? ang estudyante, o ang mga magulang? aba, nung natapos akong magtayp, 20 pages lang dapat... sayang ang additional na 26 pages no! sayang sa bond paper, sayang din sa toner ng printer, sayang din sa pagod dahil @#$%^&!! tapos na ko kanina, ngayon aayusin ko na naman...

although, pagbalik nung proyekto, A- siya, at siya daw ang highest... sabi ko lang sa sarili ko, @#$%^&* dapat lang.

pramis, gigil na gigil na ako sa mga titser na ganito... yun pang mga tipong magpapagawa ng napakahirap na proyekto, at syempre pa, pag mahirap ako na lang ang gagawa o tutulungan ko siya... tapos @#$%^! pag balik ng proyekto, sasabihin pa sa anak mo na hindi siya ang gumawa nun...

tapos pag ang anak mo naman ang pinagawa mo ng proyekto, @#$%^, mababa naman ang grade dahil syempre hindi maganda...

ano ba talaga, kuya? ate?

nag-aral ba kayo sa pi-en-yu? o sa NTC? o sa Peyups? Dun sa magagaling na eskuwelahan na tinuturo ang tamang pagiging titser... o baka naman kasuka-suka lang talaga ang mga inaarte niyo sa buhay... o wala kayong lablayp at sa mga bata ninyo ibinubunton, mga @#$%^& kayo?

syempre, ako naman kanina... nabbwisit na tuloy... kasi hindi ko na maalala yung tamang proseso... dumating ang tatay niya... tinuruan na rin siya, maya-maya, sumisigaw na ito... maya-maya, sumisigaw na ng "Ma...! Alika nga rito!"

pagdating ko sa opisina (may opis kami sa bahay), nagkakamot na ng ulo yung tatay niya habang tinatanong siya ng gets mo na?! and to her father's dismay... umiling ang bata.

sumuko ang tatay... umuwi ng luhaan sa tinitirhan niyang apartment...

ako na naman... @#$%^&*, maluha-luha din ako sa lahat ng emosyong nararamdaman ko... naisip ko, ironic, kasi lisensyado akong titser... pero sabat naman ng inner self ko, English titser ka naman at hindi Math...

hm.... may point ang inner self.

nung kahulihan, sumuko kaming pareho... sabi ko na lang, hayaan mo ng mali ang solution, basta tama yung answer... pag-aralan mo yung ibang topics para at least dun, perfect ka pag nakuha mong lahat... tapos, unahin mo yung madadaling items ng exam at ihuli mo yung conversion... tango lang ang sinagot sa kin ng panganay ko.

gusto kong umiyak sa frustration.

gusto kong umiyak dahil nakaka-guilty.

wala akong kwentang ina at titser.

wala.

w
a
l
a.

w a l a .

w a l a .
wala.

kahit san ko pa ilugar, wala talaga.

No comments:

Post a Comment