Wednesday, August 03, 2005

please click on the ads

salamat sa lahat ng nagtyagang basahin ang post ko tungkol sa aming business venture kuno nila Mai at Anne. Super dooper salamat sa mga nag-comment at mga nagYM ng kung anu-anong suhestyon. ang gagaling, pramis. sosyo namin kayo!

~*~

dala ng kahirapan ng buhay, nagdesisyon akong gawing pormal na pagkakitaan ng pera ang blag na ito (as if naman maraming dumadalaw sa blag ko). kung mapapansin ninyo, may mga Google Ads na rin akong nakakalat sa paligid.

hindi po ako nagbibiro. kung pwede nga lang lumuhod ako sa harapan ninyo para pilitin kayong mag-click sa mga hinayupak na ads na yan, gagawin ko.

wala na po akong anak na nagga-gatas, pero ganun pa rin ang gastos dahil sa kamahalan ng kuryente, pamasahe, tubig, baon, therapy, at kung ano-ano pa.

dinudugo na po ako sa kakaisip kung saan ako minsan kukuha ng pera. buti na lang may blag akong nagbibigay sa akin ng konting saya. hehe.

pathetic ko di ba? pero yan ang totoo.

kaya, click lang ng click... di niyo naman kelangang basahin. CLICK AWAY!!!

~*~

kung di niyo pa napupuntahan, maging adik sa pagbabasa ng adventures ni Pam Pastor at ng kanyang bi-ep na si Arvin. Kilig to the paking bones.

Sana lahat ng romance, parang peyri teyl.

Oo nga pala, may pakontes si Pam para sa kanyang 1000th post. sinubukan kong magsend sa kanya ng email, pero wala sa intensyon kong sumali, gusto ko lang tingnan kung mapapansin niya ako. (pathetic, pathetic, pathetic) Feeling ko kasi, in an alternate universe, pwede kaming maging prens. kasi kul siyang gaya ko. nyiknyiknyik.

and wouldn't ya know???? she replied.

naks.

flattened naman ako. haha.

note to self: reply back, you idiot!

No comments:

Post a Comment