Monday, August 01, 2005

visnes bentyur

this post was not meant to offend... this was the author's first shot at humorless humor. Tabi-tabi po.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

habang papalakad kami nila Anne at Mai, biglang napunta ang usapan sa funeral parlors... naisip ni Mai kung bakit walang funeral parlors sa mga malls.

sabi nga ng mga maaarteng conyotic sa Glorietta 4 -- "Like, duh???"

Bakit? Syempre naman no!

Eto ka, kasama ang uugod-ugod mo ng lola, nagwi-window shopping sa may Ayala, ng biglang...

"Tena, apo... tingnan natin kung ano'ng magandang ataol para sa bertdey ko."

Pakshet, di ba?

Pero naisip nga namin, wahay da hell not poknat?

Sabi ko, aba, magandang vusiness benture nating tatlo yan... wala kang talo, laging may namamatay!

just imagine... the pers in da Pilipins... maybe the world, who knows?

kaya, habang naglalakad kami papuntang terminal, nakapagisip kami ng mga ideya... well, habang tawa kami ng tawa, syempre pa. Hindi ko na maalala kung kani-kanino nanggaling ang mga ideyang ito, pero here goes:

First on the list--location, location, location! The real-estate brokers' creed. Dapat yung sigurado kang kikita ka, at yung magagamit mo rin ang paligid to your advantage.

May nakita kami, dun sa may walkway papuntang Landmark, nagsara na yung Playhound... I think alam ko kung bakit nagsara yun... magbenta ka ba naman ng 7,500 worth na bag na parang mabibili mo naman sa Baclaran for 350... hehe.

Magandang location, kasi daanan ng tao, for one. Tapos sa tabi, may Body Shop... mabango. Sa kabilang tabi, Electroworld ata, bentahan ng celfones... maraming tao lagi... at sa tapat, Powerbooks... pag tinatamad ang mga naglalamay, tatawid lang, pwede na silang tumambay dun to read. Lakad ka lang ng konti, ang dami ng bars at restos. kung magdadalamhati ka, easy access sa beer.

Syempre, ano ang primyadong laman ng ating magiging shop? Gusto ko yung kikita kami ng malaki, op kors. So dapat, everything on it, kumbaga.

Eto ang mga naisip namin (pwede na ring ilagay ito sa mga fliers na ipamimigay namin sa may Ayala--where else, kundi sa sossy... although napag-isip-isip namin na mas kikita kami sa Tondo o kaya sa Taguig):

1. Ataol

No funeral is complete without one. May mga plans to choose from:

a. Rental Ataol - para sa mga ike-cremate... makakatipid ka kasi rent lang... dapat lang basahin ng maigi ang Terms and Conditions... dapat kasi pagkasoli nito maayos na maayos pa rin ang ataol... syempre para sa susunod na gagamit.

b. Paid Ataol - self explanatory

c. Rent to Own Ataol - para sa mga limited ang budget at hindi kaya ang Paid Ataol, yun nga lang, may interest ito. You can pay for 3, 6, 12 or 24 months.

d. Custom-made Ataol - comes in various shapes and sizes. Can be customized to fit your needs and every whim, although more expensive.

For example, kung gusto mo, pwedeng lagyan ng music, 3 ways to do it:

a. Musical Ataol - compile mo mga peborit songs ng iyong loved one na namatay, and we will install it in parang polyphonic ringtone, midi ang format... Tuwing bubuksan ang ataol, tutunog ito. (Kada bukas, iba ang tunog)

b. Jukebox Ataol - eto, mas ok kasi true tone na ang songs na lalabas.
Aside sa napaka-comfy nito sa loob, medyo extended ang yari nito... sa gilid, merong coin slot. hulog ka ng desired amount, pick a song from the list, and poof! Music.

Pwede mong sabihin sa amin kung magkano kada song. Kung gusto mong 500 pesos kada kanta, pwede nating i-program yun.

(note: as of this writing, we still do not have a bill slot, so it's gonna be a problem if you charge more than 10 bucks. 500 coins is too... heavy.)

c. Jukebox ala carte - op kors, ito ang tinatawag naming the mother of all ataols. actually, parang dobol meaning yan kasi ala cart talaga yan... meaning, like Ataol B, may jukebox siya, pero meron din syang vendo machine, may cart sa tabi.

O, di ba? Drop a coin, and poof! Coco Puffs, Canned Coke, Mineral Water, Chips, butong pakwan, candy, playing cards, chess set, yosi... San ka pa? Matipid na ataol to, all-in-one... di pa matrabaho sa mga namatayan...

Taena, namatayan ka na nga, magaasikaso ka pa sa mga bisita? Mano ba namang mag-grieve ka...
All three choices comes with free use of loud speakers with subwoofer. Ataols B and C are highly recommended kasi dagdag sa kikitain sa abuloy at sakla.

All ataols come free with patakan ng luha, ribbon, pentel pen, aspile, black pins (special ito kasi filigreed heart at hindi yung dull rectangular shaped), at kung ito ay murder, libre na rin ang sisiw at bigas.
2. Attire - maraming pwedeng pagpilian... pwedeng jeans at shirt... kung ano sa tingin mong gugustuhing isuot ng namatay.. dapat yung comfortable siya.. kung mahilig sa beach, marami kaming two-piece set to choose from.. all from Speedo.

3. Service - a dito, superb kami.

Eto, opinion ko lang naman. Bakit hindi pwedeng magsaya pag may namatay. Kung ako masusunod, gusto ko pag namatay ako, yung masaya. Bakit ikanyo? Kasi naman, alam kong mas sasaya ako sa langit. Hindi na ko maghihirap sa earth, di ba?

Kaya gusto ko, pagkatapos ninyong umiyak ng isang beses, magsaya na kayo. I'm gonna be happy where I'll be. At kung iniisip niyo kung naniniwala ako sa hell, opo. Ang hell ay narito. Isa lang ang pupuntahan ng mga namatay--langit.

Para masaya, parang birthday party na rin ang gawin...

Emcee - kayo ang bahala, pwedeng kamag-anak or pwedeng celebrities, choose from
Aga Muhlach, Richard Gomez, Gary V., or Michael V.

Butterflies - maraming tao ngayon ang gustong may kasabay na butterflies na lilipad pag sinaboy ang abo nila sa dagat. Meron din kaming mga dragonflies, maya at tiririt, if ever.

Sulo - habang papasok ang ataol, pwedeng may mga sulong sisindihan sa may pinto... nice touch to greet the newly, er, dead.

Cake - yes, cake. Kahit anong flavor, kahit anong size and shape, we can have it custom-made. Parang Kink Cakes ang dating.

Mascot - hah! di lang pwede dito si McDonald kasi mahirap siyang i-book.

Motiff - oh, yes. pwedeng pwede. Kung gusto mo, for example sa mga namatay sa lung cancer, magkalat tayo ng lung-shaped balloons... at syempre pa, meron kaming smoking area... merong smoke machines and lung-shaped ashtrays (isipin mo na lang na baga mo yung tinutusok-tusok mo ng yosi, kundi ka ba naman mag-quit)... at syempre, complimentary ream of yosi of your choice para ilagay sa coffin at ipabaon sa inyong loved one.

Pwedeng ala debut, may 18 roses at 18 candles pa.

Pwedeng parang children's party, may pabitin at games. Ang mga prizes pwedeng kayo na ang mag-provide... for example, mga gamit dati ng namatay... kesa ibenta sa ukay-ukay, mas magandang ipamigay for remembrance.

Hotel Accomodations - kung sa ibang lugar ang lamay, for example sa Thailand... kami na ang magb-book sa inyo... sisiguraduhin naming may baon kayong holy water pag matutulog na kayo sa hotel.

Priest - of all religion, meron kami. kahit mga dominikanong tomador na pari, meron.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Terms and Special Offers:

Free serving of goto and coffee when you come in.

Must be at least one month reservation, since maliit lang ang pwesto, medyo kelangan natin nito. RSVP kumbaga.

Walang problema sa make-up artist, it comes free with any service. Pwedeng mamili kung si Ricky Reyes o si Fanny Serrano. Pwedeng MAC o Revlon o Ever Bilena ang gagamitin. Pero we do not use any cheap polish for our manicure and pedicure. We only use Sally Hansen.

Sa aming TV infomercial, meron ding special dun. Call within the next two hours and you'll receive a beautiful hand-crafted casket handle, guestbook, Parker pen and a VCD of your choice.

-The Ring
-Bankok Haunted
-Bahay ni Lola
-Shake, Rattle and Roll 1-3

And that's not all, we will also throw in free use of our exorcist for those people who can't sleep at night. Libre na rin ang last rights para sa mga malapit pa lang.

But wait! There's more!

have you ever wondered what happens to your loved ones in the embalming table? Are you afraid of necrophilia? well, wonder no more! All our services come free with a VCD of the actual process.

Special Introductory Offer!

Buy 1 Service, and Take 1 Service free! Kaya kung may kilala kayong mamamatay pa lang, pa-reserve niyo na!

Op kors, we accept all major credit cards, checks or COD.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

At syempre ang importante, ano ang itatawag namin sa shop namin.... dapat catchy... dapat retentive... dapat may spunk...

"Ataol, atbp."

Panalo di ba? At op kors, dapat may tagline... kumbaga sa Palmolive shampoo, "balik freshness, balik bounce-bounce."

hm... ano nga kaya?

"Ataol, atbp."
The Tigbak Authority!

Super catchy! Super retentive! Sort of like the Ghostbusters... who're you gonna call?!

Ataol, atbp!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Well, yun lang naman ang mga naisip namin... Nung panahon na yun, gutom kaming tatlo... Pwedeng gawing conclusion sa thesis na ang utak pala mas maraming nonsense na lumalabas, pag walang laman ang tyan.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Ay, oo nga pala, hiring kami ngayon! Syempre we need to start business right! Paki-forward na lang tong flier namin sa mga friends ninyo... Immediate hiring kamo.

WANTED:

HITMAN

not over 50 yrs. old
must be 5'6" and below (the more insconspicuous, the better)
130 lbs. or lighter
20/20 vision
hindi pasmado
ballistics specialist
knows how to drive (with license)
with pleasing personality
college graduate from a refutable university
with 4-5 years solid experience

qualified applicant will get a high competitive salary based on experience,
will get tips and commission, plus fringe benefits (dental and medical included).

No comments:

Post a Comment