Tuesday, August 16, 2005

www.boredom.com

badtrip tong araw na to... masakit kasi tsan ko kanina pang umaga... yung the kind na hangin ang laman, at paikot-ikot lang ito? sana kung nailalabas ko ang hangin na ito... pero nakailang dighay na ko, hindi pa rin maalis yung sakit... nakakatatlong baso na nga ako ng tsaa eh... kasi parang naghahanap yung sikmura ko ng mainit... sana na nga lang kung naje-jebs ako, pero hinde!!!

ang siste, punta ako ng punta sa CR para magwiwi... tapos, nawalan na ako ng ganang mag-trabaho... well, tinatamad na talaga ako hindi lang dahil sa masama ang pakiramdam ko... nakakatamad na rin kasi yung mag-trabaho ka just because you need to, and not because you want to... naiinggit tuloy ako kay Archie kasi siya nago-OJT na sa isang public school.. gumagawa na siya ng mga lesson plan... parang ang saya ng ginagawa niya kahit mahirap...

ewan... siguro maraming tao ang di makikita ang relevance ng sinasabi ko... mahirap naman kasi talaga ang magturo... pero i find true joy in the prospect of teaching ang molding kids... and if I were a millionaire, I'd probably have two more kids... and adopt five more. kahit magulo, masaya naman...

eh, hindi ako milyonaryo... kaya having three kids will have to do... plus Bea, my cute pamangkin who turned one today... nauna yung party niya ung Sunday.

basta, i promise myself, as soon as I am able... and if in some insane way I get my finances straight, I will resign from this boredom and pursue what i wanna do... and be happy about it.

No comments:

Post a Comment