Saturday, September 03, 2005

SidE efFecTs ...

nG mGa nAgtrAtraBahO sA caLl cEnteR..

may nag-send sa kin nito, dati kong katrabaho dito, si Nielsen..


1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka!) -- di naman ako sinisingil..

2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel... exampol: ring ! ring ! ....tenk u for calling, this is Rachel, how can i help you today? Pramis, nangyari sa kin to one time...

3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na lang...para fresh pagka-calls ka uli, maya na yung 1 hour nap... -- hahaha... kaya kadalasan, overbreak ka...

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip/fx dun sa mga kalsada na 1 way.... -- buti na lang ako jeep lang...

5. sanay ka ng matulog na naka-aircon. -- hay... sarap...

6. sanay kang maglaka-lakad ng nakamedyas.-- sa akin, di nangyari to, kasi nakatsinelas lang akong pumapasok sa opisina...

7. ang tawag mo sa mga friends mo... dude, bro, coach, sup. --Sugar, Kuting

8. di na dugo ang dumadaloy sayo, kape na. nung nagpaospital ka ang nilagay sayo dextrose na my instant coffee. -- hahaha... korek.... at least kung maoospital ka, libre kasi covered ng Maxicare... 500T coverage namin dun...

9. sanay kang makipagusap kahit tulog... pagtinanong ka ng kahit ano, tama ang sagot mo... ummmm naghihilik ka pa hayup ka! -- hahaha... marami sa min to...

10. tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kapatid mo dahil nagsisigaw ka ng SUP CALL!!! --laging nangyayari sa akin to, napapanaginipan ang calls, pero di ko alam kung nagsisisigaw din ako...

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.--medyo

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo. -- ay oo, grabe. pagdating ko sa house, walang hubad-hubad kahit sapatos... bagsak agad sa kama.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila. --true

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang.. sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh. -- kasi naman di nagbabasa ng Terms and Conditions....

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic. --one of the perks pag graveyard ka...

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga. pag Rest Day mo naman at natulog ka sa gabi, magigising ka pa din pag madaling araw na. iba na ang body clock mo. --syet.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel. --hahahaha... korek.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain. -- ako hindi... take ur time ako sa bahay...

19. nde ka na kilala ng aso nyo -- buti na lang wala kaming aso...

20. tawag sa auto mo ay taxi, kasi palaging gabi bumabyahe.. -- at wala rin akong kotse...

21. wala ka nang pakialam sa buhay -- noon nung graveyard.

22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na't alam mong
successful lahat ng ka-batch mo. -- buti na lang walang reunion.. pero nahihiya, oo.

23. sasabihin mo field ng trabaho mo customer care, di call center. -- sinasabi ko eRep, para magandang pakinggan.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo.. --hahaha... indi rin... adik ako sa internet...

25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang.. --sinasabi ko email rep.

26. pag payday... olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8 k per month l ang sila) isang kinsenas mo na yun di pa kasama komisyon na inaabot ng P20k.. -- not that much pero yeah, meron akong mga kilalang ganun...

27. pag day off mo n lang ikaw nkakapaanood ng Eat bulaga at MTB -- di pa rin ako nakakapanood.

28. Nde mo na kilala ang mga bagong artista.... si mahal at mura lang --sino yun?

29. nde mo na alam itsura ng mall... -- since morning shift na ko, mas kilala ko na ang mall, kasi lagi kaming napapadaan ng officemates ko dun.

30. di ka na maebs sa bhay, sanay ka na sa cr ng 5th floor or ibang floor. --oops! hindi pa rin... namamahay ang pwet ko... sa bahay lang talaga gusto... unless....

31. gusto mo na ding maglagay ng alcogel sa banyo nyo.. -- mas gusto kong maglagay ng unlimited tissue...

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe! --meron naman kasi sa bahay

33. puro kalyo na wrist at daliri mo. -- sobra! ikaw ba naman ang sumagot ng 200+ emails a day...

34. sanay ka na ding mag Ingles... wow! (wew!) -- pag galit. nyehehehe...

35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil para kang gago. -- hahahaha... happens to me all the time... meron din akong times na tumitingin ako sa kaliwa ko, expecting to see my call master...

36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay... --yep, yep!

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig! -- at nakatsinelas...

38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila ikaw petiks pa rin! --well, somewhat true.

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!! -- hindi rin, no!!! may mangilan-ngilan din sa min!

40. mabilis k ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo... -- sepsep mas masarap.

41. isa ka na rin sa mga nagbebenta sa free ads (you name it meron dito even endangered species) -- ay hindi naman...

42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe. --hahahaha... kaya ako walang sound ang email application ko...

43. pindot mo ilong nung tindera kala mo vendo machine.... isa nga coke syet ilong pala yun! hehehehe... masama pa kung sa bumper na-pindot mo.... syet! -- grabe naman...

44. na inlove ka na sa kape... -- na minsan ay lasang giniling na popcorn na sunog...

45. madalas mong sabihin sa ka IM mo n "email chat n lang tyo" -- well, ngayon oo, kasi bawal na sa floor ang IM... sa bahay na lang...

46. sanay k na makarinig ng napakalakas n pag singa ng sipon... dahil sa japs.. -- not applicable...

47. marami ka ng naipon na microwavable container -- hahaha.. oo dati... ngayon hindi na...

48. at ketchup galing mcdo at jollibee -- very useful, op cors.

49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng ticket.. --at put back, at transfer, at RP.

50. bumibumili ka ng chicharon sa lahat ng sikyo na makita mo.. hehehehehe -- naman, sang call center to?

51. pag gumagamit k ng cr, d ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa n lulubog ebs mo. -- swerte niyo, kami faucet pa lang ang automatic...

52. sawa ka na sa internet kasi sa trabaho panay ang browsing.. -- hindi na ngayon!!!! syet!!!

53. sanay ka na ang katabi mo sinusurprise visit ng GF niya akala kc nambababae........ -- meron na ngang napatay dahil sa immorality eh...

54. akala mo mo may sarili kang locker sa bahay nyo..... -- wala akong locker sa opisina... pity...

55. at magtataka ka dahil hindi lahat ng hapon galit sa kumakain ng chicharon.. -- ulit, not applicable...

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwuatro ng umaga -- syempre pa.

57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas. -- hahahaha... good luck.. buti ako may asawa na before pa pumasok... uso na rin sa call center ang kabitan... ingat kayo sa termination... hehehehe...

58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at cookies.. --expert na tayo dyan? hehehehe....

59. yung iba dito na nakakahanap ng kabit nila eh........ -- precisely my point with Number 57... magtigil kayo!!! masakit ang maloko.. puhlease...

60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay -- hindi naman... sa office lang....

61. kala mo libre ang kape sa select... -- sa may South Super... hahahaha...

62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.. hahahaha -- i wish! at i wish din sana may sarili akong sasakyan at marunong na akong magdrive....

63. pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl... -- sa faucet lang...

64. nag hahanap ka sa kapitbahay nyo ng mga hapon.... -- not applicable pa rin...

65. pag binabati... ano nlang, pag kinukumusta ka ng mga kabarkada mo,lagi mo sinasabi,"i'm doing great how about you?" -- hahahaha... exaj...

66. naka id ka pa kahit nasa jeep -- pucha, ilang beses nangyari sa kin to... syet

67. kaya mong tiisin na nde palitan ang damit mo ng 16 hours -- even more than that pa ko... pag restday ko kinabukasan nung GY pa ko...

68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo... sabihin mo msn.com, askjeeves, lycos, angelfire... -- blogger, yahoo, friendster... hehehe....

69. kasi pagsinabi mong passport, di nila alam yun. ako nga dito ko lang nalaman na may ganun pala eh.. -- ako rin.. pero mas sinusupport namin ang pagba-blog hop... na incidentally, di na pwede ngayon, wala ng internet access.... or else!

70. ....yung uniform nga ng basketball may passport logo tanong sa akin nag-aayos kayo ng passport? hehehe anong travel agency? ayus! quote kita sa hongkong gusto mo! -- nyehehehe... Expedia ka, dong?

71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun parin. -- maraming ganyan sa office namin... mga martyr....

72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones! -- korek.... sanay sa office na habang nagsasagot ng email, nakikinig ng sounds...

73. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng paolo "payatot" santos -- di naman ganun ka-limited ang music selection namin sa office...

74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!! -- hahaha.. exaj ulit...

75. tanong na mahirap sagutin ... "pag-introduce urself na - first day sa SVI -engineering grad-" ..... em a nursing grad ;pt grad; engineering graduate. BAT KA NANDITO ?...walang choice kasi pinuputok ka na sa kakahanap ng trabaho di ka pa rin matanggap (well, di lahat) -- oo nga.. di naman lahat...

76. OO NGA PALA! DATI PAGNAGCOPY PASTE KA SA PC, GINAGAMIT MO ANG RIGHT CLICK, NGAYON, ctrl C AT ctrl V. -- ako dati pa... simula pa lang... mas madali yun eh...

77. nagkaroon ka ng galit sa mga kano at kapag nakakasalubong mo sila, iba na ang tingin mo na parang gusto mong magpitch at tanungin sila na "Mr. Smith, have you received the package?" -- or We apologize for any inconvenience. syet ka.

78. Pero tuwang tuwa ka naman sa mga mexicano at intsik na language barrier -- syempre... madami akong nase-save pag indian kausap ko..

79. dati 1 word per minute ka kabilis magtype, ngayon 2 words per minute. --hahaha... 52wpm ako.

80. kahit sa bahay, mahilig ka na mag chenes, chuba, chubaloo at charing... -- kasama na rin ang leche, chefar, pakshet, whatever, at kung ano ano pa...

81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata... kasi d pde pahuli -- at nakaupo...

82. lahat ng style ng pagtulog.... maiisip mo... -- nakatalukbong ng kumot, nakaupo, nakasunglasses...

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala -- huhuhuhuhu....

84. habang umiihi ka may nagtatanong kung anong oras na -- hahahaha...

85. yung ex mo may kasama ng iba -- di bale, ex na lang naman yun eh...

86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad. -- korek... grab the chance... minsan papasok ka ng holiday, 2T sweldo mo for that day pa lang...

87. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo..
-2nd hand celfon
-2nd hand pc
-sabon
-shampoo
-sapatos
-tocino
-longganisa
-hikaw
-magazine
-tv-ref
-aso
-libro
-tshirt
-pants
-pre paid card
-vcd
-dvd
-yema
-pati apartment d2 ka nakuha

--sometimes...

88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave -- hahaha... popcorn madalas sa opisina...

89. d2 ka na nakatikim ng kape na may ipis -- expert si Mai jan... sa pagalam kung lasa o amoy ipis...

90. kahit syampoo ng kabayo meron... hahahaha -- wala pa akong naeencounter...

91. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo... --yung may hot and cold ha...

92. ok lang sayo uminom ng kape na may ipis kase no choice! -- kami merong choice, kasi meron din kaming ChocoGem... nyehehehehe....

93. dami mo na naiipon na stirrer(red) galing starbucks kakabili ng kape. -- marami kami nun sa office, no use sa amin ang maghoard ng stirrer sa Starbucks...

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain. -- op cors...

95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pgkain sa pantry. --sang call center to? hehehe....

96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit,deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa, milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon -- at celfone load...

97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel's pancit canton, wendy's. north park, starbucks -- korek.

98. di mo ma-enjoy christmas party kasi linggo nila ginagawa, lunes may pasok ulit eh -- nyehehehehe.... wawa

99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!! syet! -- di pwede.. may pasok ka pa eh...

100. pasimple ka pang nag eemail at nagbubukas ng ibang windows, bawal kasi ibang website maliban sa monitor script at verizon.com -- mahuhuli ka rin ng IT pag sinipag silang imonitor ang logs mo... sige ka...

101. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya.. -- sobra naman to...

102. tapos yung fud magtatake out ka na lang. dito mo na lang sa office kakainin. -- syempre.. walang time...

103. kapag may national crisis at rally... di ka Makakasama... pakikinggan mo na lang sa radyo -- at dudungawin mo na lang sa office pag sa Ayala ginawa...

104. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na -- meron sa min, kasi walang pinto ang bahay nila.. o di ba? terminated ka ngayon!

105. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras! -- hay... sobra....

106. d2 lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap... lalo na pagdati ng sa mga babae -- wlang masama sa pangarap... walang sirain ng trip ok?!

107. pantry carenderia! -- hindi na ngayon...

108. kapag may gusto kang bilhin... titingin ka muna sa free ads... -- syempre.

nabitin ako.. wala na??? hehehe....

No comments:

Post a Comment