Thursday, November 03, 2005

palimos lang.

merong mga panahon na dumarating sa tao ang sobrang kahirapan... minsan, hindi mo na alam ang gagawin mo para lang magkasya ang natitira mo pang pera hanggang sa susunod na sweldo...

ang mas mahirap, hindi naman ikaw lang ang apektado, lalo na kung may mga anak ka...

nagdaan ang panahong ito...

humingi ako ng tulong sa ama nila, pero hindi niya ito ininda... sabi niya lang, "bukas."

nakaraan ang maraming bukas, wala namang tulong na dumating.

nakapagtiis kami na ang inulam sa araw-araw ay sardinas at noodles. Sabi ko nga, mas mahirap kung may ibang taong naaapektuhan... kapag nasa kamay mo ang buhay ng ibang tao.

masakit para sa akin, isang ina, na makitang kumakain ang kaniyang mga anak ng noodles araw-araw.

sa dinami-dami siguro ng mga pangit na nagawa sa akin ng asawa ko, ito na ang tumatak sa puso't isipan ko...

ang magmukha kaming kawawa... ang pakiramdam na mamalimos ng tulong...

hindi ko na siguro makakalimutan pa ito.

No comments:

Post a Comment