Thursday, November 03, 2005

para sayo...

ang sarap, sarap, sarap umiyak... lalo na kung ikaw lang mag-isa... sa dilim...

yung punong-puno ng galit yung puso mo... ng mga tanong... ng mga panghihinayang...

masarap din umiyak ng dahil sa pagod... sa walang kasiguruhan... sa kawalan ng pag-asa... sa paghahanap... sa pagkakakita pero wala rin pala...

so, you see... i'm only human, after all.

even with all the thoughts and ideas i have bestowed on some people... ako rin, di ko kayang gawin yung mga sinasabi ko...

sabi ko lang kanina, don't dwell on things that you cannot change, instead focus on those you can.

pero, ngayon, naisip ko... wala rin pala... no matter how hard you try... if a person isn't willing, hindi siya magbabago... if a person is not for you, hindi rin ibibigay... kung ibigay man, babawiin din...

isa lang ang conclusion sa lahat ng bagay...

nothing is fair nor free... lahat may bayad... pera, panahon, pagkatao... ultimo puso, kelangan mong ibayad... ang mahirap pa niyan, kadalasan, wala kang sukli. kahit konti. kahit yung nararapat lang. kahit walang sobra.

ang mahal masyado ng presyo ng pagmamahal... minsan nga namamalimos ka na lang, hindi ka pa bigyan... minsan, nagmamakaawa ka na lang, hindi ka pa papansinin...

ang hirap magmahal... lalo na kung hindi pwede... lalo na kung hindi dapat... lalo na kung ikaw lang nakakaramdam...

ang tagal-tagal ko ng salat sa pagmamahal... lagi na lang ako nagbibigay... lagi na lang ako yung nasasaktan...

i've never been enough for everyone.. lagi na lang ako ang may kulang... eh, pano kaya nangyari yun, pano ako magkukulang kung lahat binibigay ko? wala na ngang natitira sa kin eh... kaya after every heartbreak, i'm left feeling empty.

sa araw-araw na ginawa ng Diyos, para na lang akong patay na naglalakad... nabubuhay para lang magtrabaho... ngingiti pag kelangan...

yung mga litrato ko, maraming nagsasabi, bakit ganun, kahit nakangiti daw ako, malungkot ang mga mata ko? ewan. pagod na siguro.

gusto ko ng magpahinga... ayoko na... ayoko na talaga...

tandaan mo lagi, ha? kahit parang hindi, importante ka sa kin... kahit magkahiwalay man tayo at di na magkita pa... di kita malilimutan...

isa ka sa mga rason kung bakit pa ako humihinga...

No comments:

Post a Comment