Monday, January 09, 2006

clicky sneaky...

since wala akong magawa sa bahay... may sakit ako... masama ang pakiramdam ko... ewan, baka psychosomatic ang sama ng pakiramdam, pero yung sakit, hindi naman... tindi kasi ng ubo at sipon ko kahapon pa.

weniwei, tiningnan ko ang pictures sa fone ko at naalala kong hindi ko pa pala ito naupload sa pc. konti lang naman eh.

umpisahan natin dito... nung New Year, nagpunta kami sa San Mateo kung san nakatira ang kuya ko at ang pamilya niya. Wala lang, gusto lang naming dalawin. Sa sobrang busy ko sa pagtitingin ng tanawin at sa saya, hindi ko naalalang magkodakan with them. sayang.

Bundok na ang lugar na yun. Buti nga may telepono na. Although wala pa rin silang cable para sa TV. malinis ang hangin. Pero medyo congested na yung lugar kasi madami ng nakatira. Ang daming halaman. Sample pa lang to, yellowbell. ang ganda no?


yellowbell


eto naman ang pamangkin kong si Vhon na pagkatangkad-tangkad. Halos lahat ata ng varsity sa school nila sinalihan. Badminton, Basketball, Swimming... May syota na nga eh. 15 pa lang ata tong batang to.


Vhon


Eto ang pinakagusto ko... Si Tony yan. Pano kinukunan ko siyang litrato, nakatingala siya sa kin, ng biglang umulan at pumatak sa mukha niya. Ayus! Sakto! Sarap kantahan ng "Raindrops keep falling on my head..." Hehe.


Raindrops keep falling on my head


Eto naman, hindi ko alam na nasa celfone ko to... pagbukas ko nga nagulat ako eh... May multo ba sa opisina para may kumuha sa amin ng litrato? Hm... I wonder. Tatlong station po yan... Yung sa una, kay Anne, tapos sa akin yung sa gitna (which in time, hindi na sa kin... wah!!!), tapos yung sa kabila, kay J. Makikita niyo sa picture na katabi namin ang window. Kaya tuwing hapon, nakikita namin ang magandang paglubog ng araw. kita din namin dyan pag may rally sa Ayala.


ghost image


pero syempre alam ko naman kung sino kumuha nito no.. none other than the sungit man himself na nangingialam ng celfone ng may celfone. haha. pero mind you, log-out na po kami niyan kaya nasa station ko ang celfone ko, nakuha ko na, bumalik lang ako. Baka sabihin niyo, kaya ako nagkakaproblema sa opisina dahil pasaway ako eh (hindi nila alam, mas maraming pasaway kesa sa akin sa team... nyuknyuknyuk). Pati yung bag ko sa harapan anjan din, pero pag nagtatrabaho kami nasa locker yan.

pero of course, merong isang tao sa litrato na gumagawa ng bawal... hehe... wala na po siya sa amin ngayon. Nung araw na yan, nag-file na siya ng resignation niya. one last chance niya yan to do something sneaky. hahaha.

well, yun lang naman... wala ng ibang pictures eh.

gandang invention talaga ang camera no? naitatago natin ang masasayang moments ng buhay natin, hindi lang sa ating isipan (at may nahuhuli tayong gumagawa ng bawal). Siguro, aside from the pen, paper, and electricity, matuturing kong pinakamagaling na invention ang camera.

*click*

No comments:

Post a Comment