Friday, February 24, 2006

*sniff*

sad ako, kasi pumunta ako ng ospital, di pa raw pwedeng tanggalin yung cast ko.

sad ako, kasi hindi pa magaling paa ko.

sad ako, kasi sabi ng doctor isang linggo pa daw ulit.

sad ako, kasi kumakati yung paa ko at minsan hindi ako makakita ng ruler.

sad ako, kasi meron na naman akong dapat na pupuntahang trabaho, pero hindi ko na naman mapupuntahan.

sad ako, kasi hindi ako makatulong sa bahay.

sad ako, kasi wala akong trabaho at walang sweldo, ergo--walang pera.

sad ako, kasi (pramis!) ni singkong duling walang laman ang pitaka ko.

sad ako, kasi walang pera, hindi ako makabayad sa mga utang ko.

sad ako, kasi walang pera, hindi ako makabayad ng telepono, tubig at kuryente.

sad ako, kasi kung ganon, mapuputulan kami ng telepono, tubig at kuryente pag hindi ako nakabayad.

sad ako, kasi yung mga utang ko pag di ko nabayaran, tumataas ang interest.

sad ako, kasi wala kaming pambili ng pagkain.

sad ako, kasi sa tingin ko pera ang solusyon sa lahat ng bagay.

sad ako, kasi ang tanga ko naman para isipin ko yun.

sad ako, kasi pag nasisira ang computer namin, hindi ko alam ang gagawin ko.

sad ako, kasi wala ang Daddy ko dito sa amin na tagagawa ng computer.


pero...


happy ako, kasi walang sakit ang mga anak ko.

happy ako, kasi hindi sila ang na-sprain.

happy ako, kasi hindi sila ang naka-cast.

happy ako, kasi hindi nila problema ang pera, kasi magulang ang namomroblema nun para sa kanila.

happy ako, kasi ang mga anak ko, hindi pa kailangang magtrabaho para mabuhay.

happy ako, kasi sila hindi pa namomroblema ng pambayad ng utang at bills.

happy ako, kasi sa kanila, ang solusyon sa lahat ng bagay ay itatanong nila kay Mommy.

happy ako, kasi nakaDSL na ako at and Daddy ko daw ang magbabayad ng monthly fee.

happy ako, kasi since nakaDSL ako, nakakausap ko ang Daddy ko ng mabilis, may webcam at malinaw, gamit ang Skype (go ahead and try it!) araw-araw.

happy ako, kasi buo pa ang pamilya ko.

happy ako, kasi nasusulat ko pa to.

No comments:

Post a Comment