Wednesday, March 15, 2006

Galera...



nagyaya ang Peel Here na mag-Galera. syempre nainggit na naman ako, kasi di na naman ako pwede. *leche*

sa mga di nakakaintindi, eto po ang storya:

i've been a sheltered person... since birth po ito. hindi ako nabarkada. hindi ako nakapag-cutting classes para manood ng sine. hindi ako nakatry magmarijuana o shabu o ecstacy nung dalaga ako. as in walang kalokohang nagawa. maniwala man kayo o sa hindi... isa po akong homeboy. *grin*

nung nagka-boyfriend ako, umikot ang mundo ko sa kanya. napakahigpit niya at ang nangyari, wala rin akong naging barkada. walang gimik. walang lahat. ng hindi siya kasama.

nung nag-asawa na ako, ganun pa rin. nakakasama lang ako sa mga outing with my family. kung hindi sila ang kasama, makakaalis lang ako kung magkagalit kaming mag-asawa. yung mga typical away namin na humahantong sa paghihiwalay ng ilang buwan.

mabibilang sa iisang kamay ang mga beses na umalis ako at nag-outing ng kaibigan ang mga kasama. ang iba pa nito, talaga namang company outing.

lumaki ako at tumanda na hindi na-enjoy ang kabataan. ni hindi natutong mag-bisikleta o lumangoy. *pity*

ngayon, isinusumpa ko, hindi ko ito gagawin sa mga anak ko. sabi ko nga eh, tuturuan ko pa siyang gawin ang mga bagay na bawal. sabay kami. para habang ginagawa niya, malalaman niya ang negatibong epekto nito sa kanya.

yosi? sge, sabay pa tayo... para makita mong nakakaubo, mabaho, nakakahilo, pangit ang lasa.

beer? sge, ibibili kita... para malaman mong nakakasuka, mapait pala.

sex? sge, tuturo ko sayo pano... sge, ibibili kita ng condom... lagay mo lagi sa wallet mo ha? wag kang papayag ng walang condom magiging kapartner mo.

wag niyo sana akong husgahan sa huling sinabi ko... ang akin lang... hindi mo na mapipigilan ang mga kabataan ngayon... ang gusto ko lang, maging handa sila sa lahat ng gagawin nila... hindi ko sila mababantayan sa lahat ng oras... pero matuturuan ko silang pangalagaan ang sarili nila.

pag aksidenteng nabuntis si Anea, hindi ko siya ipapakasal... ano ako, gago? igagaya ko siya sa kin? no way.

gusto ko, magpapakasal lang siya sa taong karapat-dapat... sa tamang rason.

kaya ang solusyon para hindi magkaaksidente? maging handa. using a condom is the way to go.

pagdating niya sa tamang edad, ako mismo ang magtuturo ng lahat ng ito sa kanya.

wag lang drugs, iba na yun.

back to the Galera trip...

naisip ko, bakit ko idedeprive ang sarili kong maexperience ang ganun, kasama ang mga kaibigan (libre pa nila)? malay natin, di na ito muling maulit... once in a lifetime opportunity, ika nga. tsaka, ano ba ako? trenta'y uno na ako sa 27th. di na ako bata. kaya, um-oo ako. natuwa ang lahat. kumpleto ang Peel Here.

pumayag na ang nanay ko... asawa ko naman ang ayaw. ang nakakainis pa niyan, sabi ba naman, kami na lang daw ang umalis at punta kami ng Tagaytay (feeling field trip ito).

teka lang, bakit? dati naman niyayaya kitang magTagaytay ayaw mo ah... bakit all of a sudden? anong klaseng taktika ito? para lang di ako sumama dun?

ang daming paratang... na wag akong magmalinis... mga paninira sa mga kaibigan ko... na pupunta ako sa venue na pwede kaming magkita... NINO???

*feeling ko tuloy ang GANDA ko para pag-agawan ng mga lalake*

kung nalalaman niya lang sana na ang mga kaibigan kong ito ang siyang nagsasabi pa na bigyan siya ng chance... na sila pa ang mga bantay ko tuwing umaalis kami...

tsaka kung manlalalake ako, di ko kelangan umalis ng Manila... hello???

a judgmental person... hindi naman perfect. *GRRR!*

yan... yan... paranoid, kasi ginagawa niya... itutulad niya ngayon ako sa kanya... takot sigurong magantihan... don't worry, tapos na ako sa gantihan. wala naman akong nakuha sa pag-ganti, di ba? alam mo yun.

*teka lang, feeling ko naman nababasa niya to... hehehe.*

hindi pa niya alam na Galera yun ah... at overnight. Di ko na nga nasasabi pa, dahil the thought pa lang na aalis ako, galit na siya... what more???

hindi ko maintindihan... ano'ng masama sa gagawin ko? going to have fun with close friends.

Life is too short... we have to enjoy it while we have it. And i really think i deserve this short trip. I have placed my life on hold for more than 14 years because of him.

This is just fair, di ba?

hay... ewan...

to go or not to go, that is the question.

No comments:

Post a Comment